Hamon ng BITAG sa isang herbalist!
HINDI marunong tumanggi ang BITAG sa hamon ninuman. Wala kaming inaatrasan at wala kaming inuurungan.
Bilang pagtugon sa hamon ng isang herbalist sa BITAG na sa loob daw ng apat na buwan o 120 araw ay mapapagaling niya raw ang mga may sumusunod na karamdaman:
Diabetes na nag-iinsulin na, pasyenteng na-stroke, high blood, mataas ang cholesterol o hyper lipe demia at mga overweight.
Kaya sa kolum na ‘to, nananawagan kami sa may 100 indibidwal na may mga nabanggit na karamdaman.
Sila’y isasailalim sa isang kakaibang “case study” o pag-aaral na sisilipin ng BITAG sa umpisa, sa kalagitnaan at hanggang sa katapusan.
Idodokumento namin ang estado ng karamdaman ng mga magiging kabahagi ng nasabing case study.
Ang case study na ‘to ay pangangasiwaan mismo ng mga lehitimong doktor upang mapatunayan ang bisa ng kanyang herbal.
Nirerespeto ng BITAG ang paniwala ng herbalist na si Rey Herrera, subalit iba ‘yung ipinakikita sa sinasabi.
Bagamat may mga pasyente na siyang gumaling at nagbibigay ng kani-kanilang testimonya, iba ‘yung dinudokumento tulad ng pamantayan ng BITAG.
Kaya sa sinumang interesadong may karamdaman, lumapit kayo sa BITAG. Tututukan namin ang case study na ‘to at may mga doktor na susuri, sila ang magpapatu nay sa “prognosis” o kahihinatnan ng estado ng pasyente.
At sa ‘yo G. Rey Herrera, sa ’yong Oplan Zero Diabetes at maging sa iyong “galing muna, bago bayad”, you’re on! C’mon let’s get it on!
- Latest
- Trending