^

PSN Opinyon

Korek si FVR pero...

- Al G. Pedroche -

AARIBA na ang cha-cha o charter change. Sumakay na si Presidente Arroyo sa clamor ng ilang oposisyunista gaya ni Sen. Aquilino Pimentel para sa pagkakaroon ng isang federal form of government.

Anang Malacañang, sumusuporta nang lubos ang Palasyo sa resolusyon ng Senado para sa paglikha ng 11 federal states sa Pilipinas.

Ang advice ni dating Presidente Ramos, gawin ang pagbabago pagkatapos ng 2010 polls. Para daw huwag mag-isip ang tao na may ulterior motive si Gloria na manatili sa puwesto after 2010.

Korek si FVR pero papayag kaya si GMA? Puwedeng sabihin ni Gloria na ang pagdaraos ng cha-cha ay isang matter of urgency para tuldukan na ang kaguluhan sa Mindanao. Kung magkakaroon ng federal government, oportunidad ito para sa mga kababayan nating Muslim sa Mindanao na magtayo ng isang independent Islamic state.

Sabagay lahat ng Presidenteng naghangad ng cha-cha ay binatikos at inakusahang may layuning manatili sa kapangyarihan. Natatandaan ko pa nang dahil sa kababatikos, napilitang isaisantabi ni FVR ang ideya niyang charter change. Wika niya “I’m placing this (cha-cha) at the back-burner.”

Tulad nang nasabi ko na sa nakalipas na kolum, si Senate minority leader Aquilino Pimentel ang pasimuno ng sistemang pederalismo para sa Pilipinas. At napaka­talinong hakbang ng ginawa ni GMA. Sumakay siya sa konsepto ni Sen. Nene para maisulong ang sariling agenda.

Sa ngayon, naka-pending ang pinal na paglalagda sa Ancestral Domain-MOA ng government panel at MILF dahil sa TRO na ipinalabas ng Korte Suprema.  Kaya naman ang isa pang opposition leader na si Sen. Mar Roxas ay naghain ng mos­yon para tuluyang ibasura ng Korte ang MOA na ani­ya’y “labag sa konstitus­yon.”

Para sa akin, isang dilemma ang cha-cha. Sino man ang umupong Presi­dente para isulong iyan ay pihong pagdududahang may intensyong palawigin ang termino ng kapang­ya­ rihan.

Sana, may mau­pong Pa­ngulo na may mabuting re­putasyon para kung kai­langanin mang baguhin ang Karta ng bansa, wala nang masyadong tsetseburetse.

ANANG MALACA

AQUILINO PIMENTEL

CHA

PARA

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with