^

PSN Opinyon

Mababa na ang langis, nasaan ang rollback?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ANG presyo ng langis sa world market ay $118 kada bariles na lang. Napakalaki ang ibinaba mula US$140/bariles sa nakaraang mga buwan. Pero ang tanong, nasaan ang rollback sa presyo ng gasolina at diesel? Ang sagot: may mga lugi pa rin daw ang mga oil companies, kaya baka walang rollback ngayong Agosto! May usapin pa nga na baka tumaas pa ang presyo ng diesel. Mahirap na talagang maintindihan ang pagkuwenta ng mga ito. Noon, bawat kibo ng pataas ng presyo ng langis sa mundo ay sinasabayan nila ng pagtaas linggu-linggo ng presyo sa mga istasyon. Ang de-kahon pa nilang salita, ay “underecovery”, o paghahabol daw ng mga “lugi” nila. Para namang sila lang ang negosyong walang karapatang malugi, at dapat lagi silang kumikita bawat segundo!

Kung ganun ang dahilan at “naghahabol” pa raw sila, i-rollback naman kaya nila ng P15 o higit pa bawat litro ang gasolina at diesel sa katapusan ng buwan, kung sakaling manatili o mas bumaba pa ang presyo ng langis sa mundo? Palagay nang marami ay hindi pa rin. At hahanap lang ng bagong dahilan ang mga yan kung bakit hindi ito magagawa! Sisisihin nila ang lakas ng demand o konsumo ng mamamayan, ang VAT, ang palitan ng piso sa dolyar, lahat na — huwag lang nilang babaan ang presyo at kita nila. O kaya ang mangyayari niyan, hulugan din ang pagbabawas — kahit kumikita na sila nang todo dahil mababa na ang presyo ng langis sa kanilang source.

Ilang buwan na ang nakakaraan nang una kong marinig mula kay Consumer and Oil Price watch Chairman Ronnie Concepcion na nangangakong “kikilatisin na talaga ang mga libro at komputasyon ng mga kompanya ng langis” para raw masigurado na na hindi pinagkakakitaan ang mga motorista.  May banta pang pagpunta sa SC upang mapilitang mapigilan ang lalong pagtaas ng presyo ng diesel at gasoline lalo’t hindi tapat ang mga kompanyang ito sa paglantad ng kanilang libro.  Mukhang wala pang nangyayari. Hanggang ngayon nagtataka pa ang lahat kung ano ba ang kuwenta sa mga presyuhan.

Mukhang natututo na rin ang tao na magtipid, kapit na sa patalim — at ang mas mahalaga, humanap ng mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya at panggatong. Marami na ang gumagamit ng LPG sa mga sasakyan. Unti-unti na ring natututo ang tao ukol sa biodiesel, na talaga namang mas maganda at mas malinis na fuel. Nandyan ang ethanol na galing sa tubo at ang jathropa. Unti-unti naring umaangat ang kamalayan ng tao at popularidad ng nauna nang binuo na mga tricycle at jeepney na de-kuryente. Dapat maramdaman ng mga kompanyang ito na kung sa paniniwala nila ay hindi sila dapat nalulugi kahit konti, hindi rin naman dapat tayo hawak sa leeg pagdating sa fuel. At sino naman ang maniniwala talaga na nalulugi sila?

AGOSTO

CHAIRMAN RONNIE CONCEPCION

CONSUMER AND OIL PRICE

DAPAT

HANGGANG

MUKHANG

PRESYO

UNTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with