Kasalanan ba ang family planning? (1)
TINUTUYA ang abortion sa reproductive health bill. Iginigiit na ilegal ito kaya hindi kabilang sa family-planning services sa mag-asawa. Pero may pahabol na dapat lunasan agad ang inang naghihingalo dahil nagpalaglag — makatao lang. Kaya bakit tinatawag itong pro-abortion ng mga obispo?
Sa totoo lang, kontra ang mga obispo sa birth control. Para sa kanila, ukol lang sa mag-asawa ang sex, bilang obligasyon magparami. Anomang kontra dito, tulad ng pagbunot o pagpapa ligaya sa sarili, ay kasalanan (ni Onan). Sa mag-asawang ayaw magkaanak dahil sa balidong rason, payo nila ay pagtitimpi, tila chastity. Payag sila sa Rhythm o Billings Method dahil nagkataong likas na imposible mabuntis miski nais magparami.
Binabawal ng mga obispo ang artificial na paraan. Anila, imoral ang condom, operasyong vasectomy o tubal ligation, IUD, at iniiniksiyon o iniinom na contraceptives. At dito gumugulo. Anila, ang contraceptives ay pampalaglag din. Hindi ito dahil lang sa kaba nila na “kapag pumayag ang lipunan sa contraceptives, kasunod na ang abortion.” Sa pananaw nila, kapag pinigilan ang pagbuo ng fetus, pinatay na mismo ito sa fetus.
Kahibangan ito para sa mga nag-iisip na Katoliko. Pinipi gilan ng pills, operasyon, IUD o condom ang pagtatagpo ng egg st sperm. Kung walang buhay na nabuo, paano ito naging pagkitil sa buhay? A basta, nagiging dogmatiko ang debate, ‘yan ay doktrina, kaya dapat sumunod. kundi ay magdurusa habambuhay sa lumalagablab na apoy ng Impiyerno.
Kontra-agham ang linya ng mga obispo. Pero balewala ito sa kanila. May tradisyong kontra-siyensiya ang mga sinau-nang obispo. Sinupil nila si Copernicus, monghang nakatuklas nu’ng siglo-1500 na hindi umiikit ang Araw sa Mundo. Ginulo nito ang pananaw na sa Mundo nakasentro ang Paglikha. Nu’ng siglo-1600 kinastigo sina Galileo at Kepler na tumangkilik kay Galileo. Sumulong pa rin ang agham. Ipinagbawal ang turo ni
- Latest
- Trending