SA laki ng operasyon ng oil smuggling, taun-taon ay uma-abot sa mahigit kumulang dalawampung bilyong piso ang nawawala sa kita ng pamahalaan.
Isa na dito ang tinatawag na PAIHI na kung saan pagpupuslit at pagnanakaw ng mga krudo, langis, gasoline at liquefied petroleum gas ang ginagawa ng malalaking tiwaling negosyante ng ating bansa.
Malawakan ang operasyon ng paihi na nagsisimula sa mga malalaking barko na ang karga ay mga krudo o langis papasok ng mga karagatan ng ating bansa.
Subalit bago pa man makaabot ang mga krudo at langis na ito sa malalaking oil depot na dapat pagdalhan nito, isinasagawa na ang paihi.
Magmula sa barkong nasa laot pa lang, dadalhin naman ito sa mga storage, warehouses o depot sa kamaynilaan at maging sa probinsiya na pag-aari ng mga tiwaling negos-yanteng nasa likod ng paihi.
Nagagawa nilang legal ang iligal na operasyong ito dahil sa kanilang lehitimong negosyo — ang pakikipagsabwatan sa ilang tiwali ring opisyales ng pamahalaan at alagad ng batas.
Nakakalungkot isipin subalit, nagiging matagumpay at namamayagpag ang sindikatong nasa likod ng PAIHI dahil sa sabwatang ito.
Hindi na bago sa BITAG ang iligal na operasyon ng paihi dahil sa loob ng apat na taong pagtutok namin sa mga sindikatong nasa likod nito, iba’t ibang estilo na ng PAIHI ang aming naidokumento at naipalabas sa BITAG.
Mula sa malalking planta hanggang sa maliliit na magnanakaw o dorobo na nagpapa-ihi lamang sa lansangan.
Gaano man kaliit o kalaki ang operasyon at sindikatong nasa likod ng PAIHI, ito ay isa pa ring uri ng PAGNANAKAW sa pamahalaan.
Mayroon mang simpleng paihi sa lansangan na ang nasa likod ay mga maliliit lamang na kawatan subalit ninanakawan pa rin nila ay bulsa ng mga pribadong kumpanya.
Sa kasalukuyang masalimuot at walang katiyakang takbo ng ekonomiya ng ating bansa, isa lamang ang PAIHI sa sumasamantala sa papalala pang sitwasyong ito.
Hangga’t may mga parokyanong tumatangkilik at bumibili sa mga nakaw na krudo o langis, mamamayagpag ang paihi.
Hangga’t may maka-kapitan at may kakasabwating tiwaling opisya- les ng pamahalaan at alagad ng batas ang mga tiwali ring negosyanteng nasa likod ng PAIHI, tuluy-tuloy lamang ang kanilang operasyon ng pagnanakaw.