Cancer sa utak
ANG cancer na ito ay umaatake alinman sa tatlong mahahalagang bahagi ng utak: Ang cerebrum, cerebellum at brain stem.
Mga sintomas ng cancer sa utak: Sa adults, ang pananakit ng ulo, deperensiya sa pagsasalita, pagkabawas ng mga nalalaman, nahihirapang ikilos ang mga paa, kamay, pagkawala ng memorya at pagkabawas ng mental processes.
Sa mga bata, ang pagsusuka, nausea, eye disorder
Dahilan ng cancer sa utak: Hindi pa malaman kung ano ang dahilan ng cancer na ito.
Gaano kabigat ang cancer sa utak? Kadalasang hindi na gumagaling kapag tumama sa mga adults. Karamihan sa mga sumailalim sa treatment ay binawian ng buhay sa loob ng dalawang taon. Sa mga hindi sumailalim sa treatment ay mas maikli ang buhay. Sa mga batang may cancer sa utak, kapag ang tumor ay ganap na naopera, ang prognosis na makaligtas ay malaki. Quality of life depends on the location of cancer in the brain and the functions affected.
Nakahahawa ba ang cancer sa utak? Hindi ito nakahahawa.
Paano ginagamot ang cancer sa utak? Ang treat- ment ay depende sa laki at lokasyon ng tumor. Maaaring operahin ang tumor. Isailalim sa radiation theraphy at chemotheraphy.
Paano maiiwasan? Walang maipapayo para maiwa-san ang cancer sa utak. Kung palagian na ang pagsakit ng ulo o paglitaw ng mga sintomas, kailangan na ang evaluation ng doctor.
- Latest
- Trending