Panay dakdak na naman si Lacson

MUKHANG nasa warpath na naman si Sen. Ping Lacson. Ang puna kasi ng mga kausap ko, me scenario na namang binubuo si Lacson dahil madalas siyang makapanayam sa TV at radyo kung saan inaakusahan niya ang Palasyo na hina-harass na naman siya. He-he-he! Ano pa ba ang bago diyan? Sanay naman si Lacson na ma-harass at mang-harass, di ba mga suki? Oo nga naman! Kaya hindi na bago ang idinadakdak ni Lacson dahil eksperto siya sa field na pinasok niya, di ba mga suki?

Kung matatandaan ninyo mga suki, si Lacson ang nasa likod ng pangha-harass kay GMA at pamilya niya tulad ng Jose Pidal case, ng Senate hearing ukol sa jueteng at ang ZTE scam ni Jun Lozada. Di ba kung hindi lang sobrang buwenas si GMA baka sa kangkungan na siya dinampot. Subalit napatunayan naman mga suki na panay hearsay lang ang mga patutsada ni Lacson kay GMA. Wala siyang ebidensiya. Tingnan ang jueteng whistleblower na si Boy Mayor. Sising-sisi si Mayor sa ginawa niyang pagtestigo sa Senado at ang kinakalat niya ay ginamit lang siya ng kampo ni Lacson. Si Lozada naman, nasaan na ngayon? Darating din ang araw na magsisisi si Lozada dahil nagamit din siya, he-he-he! Si Mayor tiyak hindi kumita dahil balik jueteng siya sa ngayon sa Daraga, Albay. Ewan ko kung si Lozada ay kumita?

Ayon pa sa mga kausap ko, ang sitwasyon sa ngayon ay halos magkatulad sa mga panahon noon bago ibulgar ni Lacson ang Jose Pidal, jueteng expose at ZTE scam. Panay dakdak muna si Lacson sa media bago siya magsagawa ng privilege speech at doon na siya nagpapatutsada. Akusa rito, akusa roon na sa kinalaunan ay wala ring silbi dahil panay tsismis lang pala.

May ebidensiya naman ako mga suki na hindi umusad ang mga akusasyon ni Lacson tulad ng Jose Pidal, jueteng expose at ZTE scam.

Kaya ayon sa mga ka­usap ko, mind conditioning stage   pa lang ang pagda­dak­dak ngayon ni Lacson. Hindi nalalayo na magsa­gawa na naman siya ng privilege speech para isu­long ang hindi namamatay na plano niyang pabag­sakin ang gobyerno ni  GMA kahit na ayaw na ng sambayanan ng gulo.

Bakit nag-iingay si Lacson? ‘Yan ang tanong. Sinabi ng mga kausap ko na ang maaa­ ring dahilan ay ang nalalapit na pagbaba ng desisyon ng Supreme Court sa Kuratong Baleleng rubout. Halos apat na taon kasing inuupuan ng SC ang kaso at ang sabi ng mga kausap ko medyo uusad na ang kaso sa ngayon. At kapag pabor sa pamilya ng Kuratong Baleleng ang ma­giging desisyon ng SC, tiyak sa kulungan ang bagsak ni Lacson, di ba mga suki? Ang bagong scenario kaya ni Lacson ay para lang maka­kuha lang siya ng bargaining leverage sa Palasyo? Ano sa tingin n’yo mga suki?

Abangan!

Show comments