MARAMING Pinoy ang nawalan ng trabaho rito sa US. Ayon sa report, sa Washington D.C., tinatayang 51,000 Pinoys ang nawalan ng trabaho sa loob ng pitong buwan.
Matindi naman ang nangyari sa California. Tinanggal ni Californina Gov. Arnold Schwarzenegger ang 20,000 empleado. Binawasan din ang suweldo nang mahigit 200,000 empleado.
Ang nangyayaring ito sa US at ay nagpapatunay nang pagbagsak ng kanilang ekonomiya.
Minamalas nga yata ang mga Pinoy. Taghirap na nga sa Pilipinas ang pamumuhay, pati dito rin sa US ay tagilid din ang kanilang kalagayan. Dadaan pa raw ang ilang buwan bago makabawi ang US sa pagbagsak ng kani-lang ekonomiya.
Mabuti at bumaba na ang presyo ng gasolina rito. Maaari pa raw itong bumaba at susunod na rin ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin. Ang paniwala ko gaganda na kahit na papaano ang ekonomiya rito bago mag-election sa Nobyembre.
Naikumpara ko ang US at Pilipinas. Dito sa US, puwedeng bumalik ang presyo ng mga bilihin pero sa Pilipinas ay hindi na. Ang masaklap nga sa halip bumaba ay itinataas pa. Dapat nang magreklamo ang mga Pinoy sa masamang nangyayaring ito.
Sana nga gumanda na ang pamumuhay ng mga Pinoy dito sa US para maipagpatuloy nila ang pagtulong sa kanilang mga kamag-anak na nasa Pilipinas.