^

PSN Opinyon

Magpa-ultrasound ng buong tiyan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MAY kasabihan ang mga doktor na “ang tiyan ay templo ng sorpresa.” Ang ibig sabihin nito, maraming kakaibang sakit ang makikita sa ating tiyan. Ang kinakatakutan natin palagi ay ang kanser.

Isa sa pinakamagandang test na magagawa natin ay ang ultrasound ng buong tiyan. Ang tawag dito ay Ultrasound of the whole abdomen, kung saan makikita ng doktor ang lagay ng mga organ sa tiyan.

Sino ang dapat magpa-ultrasound?

Kahit sino ay puwedeng magpa-ultrasound. Ang mga nasa edad 40 pataas ay puwede nang magpa-ultrasound. Kung edad 60 na at pataas, lalo na dapat magpa-ultrasound ng tiyan bawat taon. Kung kayo ay may kamag-anak na may kanser sa atay, pale o sa bituka, mag-pa-ultrasound. May mga sakit na walang nararamdaman kaya dapat pa ring magpasuri.

Ano ang makikita sa ultrasound ng whole abdomen?

Makikita natin dito ang lagay ng inyong atay (liver), apdo (gallbladder), pale (pancreas), lapay (spleen), bato (kidneys), pantog (bladder), obaryo at matres sa babae, at prostata (prostate) sa kalalakihan.

Maraming sakit ang puwedeng matuklasan. Wala   pong iniksyon ito at gumagamit lamang ng “sound waves” para makita ang lagay ng mga internal organs.

Magkano ito? Ito’y nagkakahalaga ng P2,000 sa mga murang laboratory centers na subok na ninyo. Puwede rin itong gawin sa malalaking ospital ngunit ang gastos ay tataas na sa mga P4,000.

CT-scan ng buong tiyan

Kung gusto n’yong maging mas sigurado pa ang lagay ng inyong tiyan, ang susunod na test ay ang CT-Scan of the whole abdomen. Mas marami ang makikita sa CT-Scan. Pati ang mga bituka, ugat at maliliit na bukol ay lilitaw na.

May kamahalan lang ang test na ito. Halos P12,000 ang gagastusin. Minsan ay naglalagay pa ng gamot (contrast dye) ang mga doktor para mas malinaw ang makita nila.

Ipa-check ang magulang

Magandang regalo sa ating mga magulang ang pagpapa-check up. Gawin ang Chest X-ray, ECG at blood test. Pero huwag na huwag kakaligtaan ang ultrasound ng buong tiyan. Kung kaya ng inyong budget, sana ay mapa-check natin si Itay at si Inay. Baka maisalba natin at mapahaba pa ang kanilang mga buhay. Pakiusap lang po!

* * *

(E-mail: [email protected])

ANO

CHEST X

GAWIN

TIYAN

ULTRASOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with