^

PSN Opinyon

Bagong ‘unified contract’ sa Saudi recruitment

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

NAKARATING sa kaalaman ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang problema ng Philippine Association of Services Exporters Inc. (PASEI) tungkol sa bagong patakaran ng Saudi Arabia sa pag-hire ng mga OFW.

Ang PASEI, na pinamumunuan ni Mr. Victor Fernandez ay samahan ng mga manpower placement agency na 28 taon nang nagde-deploy ng Pilipino workers sa iba’t ibang bansa at sa kasalukuyan, meron silang direct business relationship sa Saudi employers.

Pero base sa bagong “unified contract” na inaprubahan umano ng Saudi Minister of Interior at ipatutupad ng Saudi National Recruitment Committee simula Set. 1, 2008, ang naturang direct business relationship ay hindi na papayagan at sa halip ay magiging kasama na sa mga transaksyon sa OFW recruitment ang mga Saudi recruitment agency.

Ayon sa PASEI, ang bagong sistema ay mangangahu­lu­gang magkakaroon pa ng third party sa OFW recruitment sa Saudi, at dahil dito, madadagdagan ang gastos at nakukunsu­mong panahon sa recruitment procedures sa naturang bansa.

Binigyang-diin ng PASEI na maganda naman ang kasalukuyang direct business kaya’t walang dahilan para palitan ito.

Nais ng PASEI na pangunahan mismo ng mga Saudi employer ang paghiling sa kanilang pamahalaan na huwag ituloy ang “unified contract”.

Pansamantala anila ay dapat hilingin ng Philippine Overseas Employment Administration, Department of Labor and Employment at Department of Foreign Affairs sa Saudi government na ipag­paliban muna ang imple­men­tasyon ng “unified contract” upang matalakay na mabuti ng mga maa­a­pek­tuhang sektor.

Si Jing­goy, na chairman ng Senate Com­­mittee on Labor, Employ­ment and Human Re­sources Development at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay nani­­ni­walang may ma­la­­king epekto ang Unified Contract sa mga OFW, gayundin sa mga manpower placement agency at sa kabu­uang overseas employment industry, kaya da­pat munang pag-aralan at pag-usapan ang bagay na ito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

HUMAN RE

JOINT CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

SAUDI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with