^

PSN Opinyon

‘Kagawad namaso ng onse anyos (?)’

- Tony Calvento -

KAPAG BATA ANG NAGKAMALI, TAMA BANG DISIPLI­NAHIN ITO SA PANANAKIT? Paano kung hindi mo kaanu-ano ang bata may karapatan ka bang turuan ito sa pama­magitan ng “corporal punishment?”

Ito ang ilan lamang sa mga tanong ng isang ama na si Rafael Bruce ng pumunta siya sa aming tanggapan nung July 31, 2008. Siya ay 34 taong gulang. Nagtatrabaho bilang isang construction worker.

Kasama niya ang panglima niyang anak na labing-isang taong gulang na si Ronel Bruce. 

“Matagal na po tong kaso namin.  Binugbog po ang anak ko.  Marami ang naging pinsala sa katawan niya at pati na rin sa emosyonal na kalagayan ng aking anak,” hinaing ni Rafael.

October 4, 2006 ng mangyari ang  insidente.  Alas kwatro ng hapon ng pumunta si Ronel kasama ang kaibigan na si Shairanz Bombita 12 taong gulang sa isang bahay kung saan may video games. 

Ang nasabing bahay na may video games ay pag-aari ni Luzviminda Bacod o mas kilala sa tawag na “Aling Baby”.  Naglilingkod bilang isang Kagawad sa Zapote St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Pumunta si Ronel at Shairanz dun para maglaro ng video games.  Piso ang hinuhulog nila bawat laro. Pinball machine ang kanyang pinaglalaruan.

“Naglalaro kami ni Shairanz nun.  Biglang lumabas si Aling Baby sa kanyang kwarto na para bang galit at may hinahanap.   Sinabi niya na nawawala ang isang daan piso niya. Tinanong niya ko tungkol dun at sinabi kong hindi ko po alam. Kinapkapan niya ako at nakita niya P40 sa bulsa ko,”kwento ni Ronel.

Sabi ni Ronel na bago sila pumunta ni Shairanz sa bahay ni Aling Baby ay nagbenta muna sila ng yero at bakal sa E.M Junkshop na pagmamay-ari ni Lolita Martisano.  Ang nasabing yero at bakal ay ibinigay ni Dionisio Basco dahil ito’y nakaimbak lang sa kanyang bahay.  Siya ay  kapitbahay nila Ronel at Shairanz.

Ayon pa kay Ronel ay bigla siya hinatak ni Aling Baby sa kamay at tinadyakan sa tiyan. Sa sobrang sakit ay napahiga siya sa sahig. Pinatayo niya si Ronel. Pinatong ang kaliwang kamay sa mesa at pinaso niya ang kaliwang palad ni Ronel ng sigarilyo. Pati sa labi at gilagid daw ay pinaso siya.

“Umiyak ako sa sobrang sakit ng pagkapaso sa palad ko. Hindi pa siya nakuntento dun at pinanganga niya ako at pinaso ang gitnang gilagid ko,” sabi ni Ronel.

Kinuha ni Aling Baby ang palakol niya at dinala niya si Ronel sa loob ng kanyang kwarto. Dito pinagdasal niya si Ronel dahil ayon kay Ronel ay sinabihan siya na papatayin daw siya nito.

Takot na takot si Ronel. Nagawa na lang niyang aminin ang kasalanang ‘di naman niya ginawa para lang makalabas ng bahay at mailigtas ang sarili sa kapahamakan. 

Paglabas ng bahay ay nakita niya ang mga trabahador ng kanyang Tito Amar Sueno na sina Al, Boogie at Anthony.  Sa takot ni Shairanz ay tinawag niya ang mga ito habang sinasaktan si Ronel. 

“Paglabas ko ay kinuha kaagad ako ni Kuya Boogie.  Nagalit siya kay Aling Baby at pinagsabihan niya ito.  Sabi ni Aling Baby  nagnakaw daw kasi ako ng pera.  Sinagot siya ni Kuya Boogie ng “Kahit na.  Bata yan eh.  Dapat pinagsabihan mo.  Hindi mo dapat sinaktan,” kwento ni Ronel.

Umuwi na sila sa bahay ng kanyang Tito Amar at hinintay ito. Pagdating ni Amar ay sinabi niya ang nangyari. Nakita nito ang mga sugat ni Ronel sa katawan kaya dinala niya ito sa President Diosdado Macapagal Memorial Center upang ipagamot ang mga sugat.

Kasama niyang pumunta ang kanyang Tito Amar, Tita Melanie at Miguelito ang nakatatandang kapatid sa Caloocan Police Station upang magreklamo.

Agad naman rumesponde ang mga pulis.  Sila ay pumunta sa bahay ni Aling Baby ngunit hindi nila ito naabutan.

“Huli na ng nalaman ko ang nangyari sa anak ko.  Stay-in kasi ako sa trabaho kaya October 6, 2006  na ng umuwi ako.  Nagalit ako sa ginawa niya sa anak ko wala siyang karapatan saktan ng ganun ang anak ko.  Kaya naman nag-file kaagad ako ng reklamo sa RTC 2nd Avenue,” ayon kay Rafael. 

Ayon kay Rafael, May 28, 2008 nagkaroon sila ng pag­kakataon para magusap.  Inaamin niya na mali ang ginawa niya na pananakit sa anak ko.  Kasabay nito ang pagaalok ng P3,000 para iurong ang demanda at makipag-ayos. Bayad daw yun sa mga gastos sa ospital at pandagdag ng pambili ng gamot.

“Hindi ako pumayag. Walang katapat na halaga ang gi­nawa niyang perwisyo sa aking anak.  Hustisya ang gusto namin. Tama lang yan sa kanya para matuto siya at ma­pag­dusahan niya ang kasalanang ginawa niya sa anak ko.  Para na rin hindi niya magawa pa sa ibang bata ang pananakit na ginawa niya sa anak ko,” sabi ni Rafael.

“Gusto kong makulong siya dahil nakakatakot siya.  Hindi ko kayang gawin ang ibinibintang niya dahil alam kong mali yun.  Tuwing naaalala ko ang nangyari sobra ang kabang nararamdaman ko.  Para siyang isang halimaw na nagwawala nung sinasaktan niya ako.  Ayoko ng maulit yun,” ayon kay Ronel.

Binigyan namin siya ng referral kay DILG Sec. Ronaldo Puno ng Department of Interior and Local Government para matanggal sa pagiging kagawad itong si Baby. Pinapunta din namin siya kay City Prosecutor ng Caloocan City na si Atty. Ramon “Boogie” Rodrigo para masabi sa korte na wala silang balak na makipag-areglo. Tuloy ang kaso.

Ipagpalagay na natin na nagkamali yung bata at kinuha nga yung isang daang piso. Huwag natin ilagay ang batas sa ating mga kamay. Ang isang mali kelan man hindi naitatama ng isa pang mali. Magbubunsod lamang ito ng malaking sakit ng ulo at problema. Tama ba Luzviminda “Baby” Bacod?(KINALAP NI JONA FONG)

PARA SA MGA biktima ng krimen, karahasan o legal problems maari kayong magtext sa 09213263166 o sa 09198972854, Maari din kayong tumawag sa 6387285. Ang aming tanggapan ay matatagpuan sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City. Email: [email protected]

ALING BABY

NIYA

RONEL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with