Hindi public service ang ginagawa nina Gov. Deloso at kapatid niyang si Anggol

HABANG hindi kumikilos si Zambales Gov. Amor Deloso laban sa illegal mining ng kompanya ni Baby Bueno sa Sta. Cruz, lumalakas ang ugong sa probinsiya niya na siya ang protector ng illegal na gawain nito. Ang Bureau of Mines and Geosciences sa Region 3 ay nagpalabas na ng cease and desist order laban sa kompanya ni Bueno na presidente ng Coady International Trading Corp. subalit hindi nito pinapansin. At hindi lang si Deloso ang tinatawag ng constituents niya na protector ni Baby Bueno kundi maging ang kapatid niya na si Anggol Deloso na hepe naman ng Provincial Mining Regulatoty Board (PMRB). Magkano ba talaga ha Gov. Deloso at Boss Anggol Sirs? Bakit ayaw n’yong kumilos laban sa kompanya ni Baby Bueno na maliwanag namang pumapatay ng kalikasan at ng mining industry sa Zambales? He-he-he! Hindi public service ang ginagawa nina Governor Deloso at kapatid na si Anggol kundi bulsa service, di ba mga suki? Mahuhusgahan din si Deloso sa darating na election.

Para mabigyan kayo ng background mga suki, si Ma. Remedios Bueno-Coady alyas Baby Bueno, Veronica Coady, Baby Bueno Coady, ay nakulong ng pitong taon sa Tam Lim prison sa Hong Kong dahil sa kasong pag­patay. Sa paglaya niya, nagsumikap siyang magba­gumbuhay at hindi naman sana masama ‘yan, di ba mga suki? Kaya lang, naging kontrabidang muli si Baby Bueno mga suki dahil ang nilinya niya ay ang “pumatay nga ng kalikasan at ng mining industry sa Zambales.” Ang masakit pa, hindi kinikilala ni Baby Bueno ang kautusan ng BMG sa Region 3, at ibig sabihin nito me malakas siyang protector, di ba mga suki? Kayo ba ‘yon, Gov. Deloso at kapatid na Anggol Sirs? Kung ayaw ng magkapatid na Deloso na kamuhian sila ng taga-Zambales, dapat pitikin na nila ang kompanya ni Baby Bueno palabas ng probin­ siya, di ba mga suki?

Bakit “binebeybi” ng mag-utol na Deloso si Baby Bue­ no? Naitanong ko ito mga suki kasi nga kahit buhul-buhol ng katiwalian ang mga umano’y transactions ni Baby Bueno aba hindi naman kumikilos ang Delo­so brothers na mapatigil ang illegal n’ya. At bakit dinidedma ni Baby Bueno ang cease and desist order ng BMG sa Region 3? Mali­ban kaya sa magkapatid na Deloso eh me iba pang padrino si Baby Bueno? He-he-he! Huhubaran ko ng mascara ang mga taong nasa likod ni Baby Bueno mga suki?

Sa lahat ng beybi, si Ba-by Bueno ang nakakatakot. Kaya natatakot ang taga-Zambales dahil baka sa kahuhukay niya ng minahan sa Sta. Cruz, aba baka sila ang mailibing nang buhay sa hukay. At para maiwaglit sa isipan ng taga-Zambales na ang magkapatid na Deloso ang protector ni Baby Bue­ no, dapat sigurong kumilos sila para ipa-implement    ang cease and desist order ng BMG sa Region 3, di ba mga suki? Abangan!

Show comments