^

PSN Opinyon

Mahal din ang gasolina dito sa US kaya hirap ang buhay

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

HIRAP din ang pamumuhay dito sa United States. Hindi lamang Pil-Ams ang umaangal sa hirap ng buhay dito kundi pati mga Kano mismo. At ang kahirapan ng buhay ang dahilan kung bakit hindi nakapagpapadala ng pera ang Pil-Ams sa kani-kanilang mga mahal sa buhay sa Pinas.

Ngayon lamang daw ito naranasan ng Pil-Ams kaya hindi sila nakapaghanda. Pero sabi naman ng iba, nang­yari na rin daw ito noong 1975 nang tumaas ang presyo ng gasolina. Pila raw ang tao dito noon para maka­pag­karga ng gasoline.

Numero unong  dahilan kung bakit nagtataasan ang mga presyo ng bilihin ay dahil sa pagtaas ng gasolina. Lubhang kailangan kasi ang gasolina sa mga sasakyang nagdadala ng mga paninda at mga produkto. Kaya tang­gap na ng lahat na kapag tumaas ang presyo ng gasolina siguradong tataas din ang presyo ng mga bilihin.

Ang ipinagtataka ng Pil-Ams ay kung bakit sobra ang taas ng presyo ng gasolina gayung dito rin naman ito nanggagaling. Sa Texas, nanggagaling ang gasolina rito. At mismong sa Texas ay dumoble ang taas ng presyo sa loob lamang ng anim na buwan. Ang mga bilihin dito ay tumaas ng 30 percent sa loob ng tatlong buwan.

Hindi maintindihan ng Pil-Ams ang sinasabi ng mga ekonomista na tumataas daw ang mga presyo ng gasoline dahil sa dikta ng world market.

May balita naman na hindi magtatagal at bababa rin ang presyo ng gasolina at ibang bilihin. Sana nga ay bumaba at gumanda na rin ang ekonomiya rito para patuloy na maka­pagpadala ng dollar ang Pil-Ams sa kani-kanilang mga mahal sa buhay sa Pinas.

AMS

GASOLINA

PIL-AMS

PLACE

PRESYO

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with