ZESTO GANG sa Cubao, Chess Gang sa Quezon City at Maynila, puwersahang pagbebenta ng rosaryo at libreta sa Quiapo at Masculados ng Novaliches, ilan lamang ito sa mga simpleng modus na natrabaho na ng BITAG.
Simpleng modus dahil sa mga lansangan lamang sila makikita at makakasalamuha. Simple subalit gumagamit ng pare-parehong taktika at estilo ng pambibiktima.
Mag-ingat, dahil maaaring hindi n’yo inaasahan, maaari kayong mabiktima ng alin sa mga modus na ito.
Ayon sa isang criminologist, si Dean Ariel Manlusoc, element of surprise, culture shock at psychology of situational factor ang mga nasa likod ng ganitong modus.
Element of surprise, dahil sa hindi inaasahang oras at pagkakataon, bigla kang lalapitan ng mga ito ng may kakaibang postura at ikinikilos. Paninindak o pananakot ang kalimitang ginagawa rito.
Tinatawag na Culture Shock ang estilo kapag ang isang lugar ay pamoso dahil sa kasaysayan o katangian nito.
Isang halimbawa ang simbahan ng Quiapo, ginagamit na kasangkapan ng mga mapagsamantala ang mga religious items para isagawa ang kanilang modus.
Dahil Katoliko ang deboto ng simbahan at karani- wang makikitang mapapadaan sa lugar, entrada ng mga kolokoy sa paligid ng simabahan, words of encouragement o words for the soul.
Psychology of Situational Factor naman ang tawag kapag nagtungo ka sa isang di-pamilyar na lugar at nandodoon ang kanilang area of operation pagkatapos ay wala kang kaalam-alam na may nangyayaring ganoong modus.
Kung meron kang katangian na maliit at ma- babang tono ng boses, mabait o maamong physical appearance, nag-iisa at walang kasama, paborito kang prospect o biktima ng mga nasa likod ng modus na ito.
Abangan sa espasyong ito kung paano makaiwas na mabiktima ng mga ganitong modus…