Problema sa pag-uwi
MATAGAL ko nang pinapangarap na malutas ang problema ng mga OFW sa kanilang pag-uwi, kung sila ay namamatayan ng kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas, habang sila ay nasa abroad.
Mabigat na problema ito, dahil napakamahal ang pamasahe sa pag-uwi, at may dagdag pang ibang gastos. Kung walang pera ang mga nasa abroad, napipilitan silang mangutang at dahil diyan, naging dagdag pa nilang problema ang pagbabayad sa utang na ito.
Sa madaling sabi, nasisira ang kanilang
Salamat sa isang Pilipino company na nakaiintindi sa problemang ito ng mga OFW, ay mayroon nang travel plan ngayon na nagiging kalutasan sa problemang ito. Sa kagandahang palad, inilapit nila ang serbisyo na ito sa OFW Family Club, upang ang club ang maghahatid sa balitang ito sa lahat ng OFW.
Dahil sa travel plan na ito, mabibigyan na ng libreng round trip ticket ang plan holder kung siya ay sinamampalad at namatayan. Ang ticket ay para sa kanyang travel mula sa kanyang pinanggalingan, hanggang sa kung saan man siya kailangang umuwi.
Hindi lang yan, may pabaon pa siyang P200,000 na maari niyang gamitin sa pagpalibing ng kanyang kamag-anak, o di kaya ibili niya ng pasalubong. Sa kanya lahat ang pabaon na ito, at kung may sobra man, maari niya pang ibigay ito sa kanyang mga kamag-anak.
Hindi lahat ng pangarap ay natutupad, ngunit sa awa ng Diyos, natupad na rin ang pangarap ko na matulungan ang mga OFW sa oras ng kanilang pangangailangan.
Alam na alam ko ang problemang ito, dahil sa dami ng lumapit sa akin noong ako ay ambassador pa. Para sa lahat na nais magkaroon ng plan na ito, tumawag lang sa club.
* * *
Join “Kapihan sa Kaunlaran” every Tuesday
- Latest
- Trending