Patraidor na binaril
INAKUSAHAN si Akbar sa pagpatay kay Hamil noong Setyembre 2, 1999 gamit ang kalibre .45 baril. Upang patunayan ang kaso, maraming testigo ang iniharap ng prosekusyon, kabilang na ang kapatid ni Akbar na si Ali. Sa kanyang testimonya, pinahayag ni Ali na si Akbar nga ang patraidor na pumatay kay Hamil.
Napag-alaman na bandang
Biglang may pumutok na baril. Nang tingnan ni Ali kung saan nagmula, nakita niya ang baril na hawak ng dalawang kamay ng isang lalaki. Nakaumang ito sa bandang balikat niya. Agad sinunggaban ni Ali ang baril hanggang sa bumagsak ito.
Binaril si Hamil sa likod. Pumasok ang bala sa kanyang batok at lumabas sa kanang pisngi. Namatay ito
Sa imbestigasyon ng mga pulis, napag-alamang walang lisensiya ang baril at walang “permit to carry” si Akbar.
Ayon sa korte, patraidor ang ginawang pagpatay ni Akbar kay Hamil. Pinabigat ang kaso dahil sa paggamit niya ng baril na hindi lisensiyado. Kamatayan ang hatol sa kanya. Kinuwestiyon ito ni Akbar. Ayon sa kanya, walang ebidensiya na makapagpapatunay na pag-aari niya ang baril o hawak niya ito bago nangyari ang pagpatay. Tama ba si Akbar?
Sa kasong ito, napatunayan na may baril. Pangalawa, napatunayan din na talagang ginamit ni Akbar ang baril upang magawa ang krimen at wala itong kaukulang lisensiya. Ayon din sa batas (Sec. 5, RA 8294), kahit pa nga lisensiyado ito, hindi pa rin pinapayagan ang paggamit nito. Dangan nga lamang at noong Hunyo 30, 2006, ipinasa ang RA 9346 kung saan ipinagbabawal na ang parusang “death penalty”. Kaya ang parusang kamatayan kay Akbar ay ginawang reclusion perpetua na lamang. (People vs. Eling, G.R. 178546,
- Latest
- Trending