^

PSN Opinyon

Gintong riles ng tren

K KA LANG? - Korina Sanchez -

 (Part 1)

NAGLABAS na ng bagong “Seven Wonders of the World”, at apat sa 10 kandidatong lugar ay nasa Pilipinas. Mga lugar na kahanga-hanga katulad ng Tubbataha Reef at Mayon volcano. Di kapani-paniwala nga naman ang isang napakagandang lugar sa ilalim ng dagat, at isang bulkan na halos walang mali ang hugis. Pero meron pa dapat idinagdag sa listahang ito na kung matutuloy ay nasa Pilipinas rin. Ang Northrail.

Sa mga bagong pagbubunyag ni Atty. Harry Roque, kung itutuloy pa ang Northrail project, at papayag ang gobyernong ito sa lahat ng hinihingi ng kontratistang CNMEG ng China, ang North Rail ang magiging pinakamahal na riles ng tren sa buong mundo! Gaano ka mahal? Isang bilyong piso kada kilometro, o ang katumbas ng $25 milyon. Ang kabuuan ng haba ng riles na ito ay higit 80 kilometro. Kayo na ang mag­bilang. Mistulang gintong riles ng tren!  Iyong ginagawa ng China rin na sistema ng tren mula Beijing papuntang Tibet, na mas mahirap pa dahil paakyat at hindi patag ang lupa, aabutin lang ng $6 milyon kada kilometro. Saan naman nila nakita na kaya nating magbayad ng ganyang klaseng pera eh tayo’y isang mahirap na bansa lang? Baka naman mayaman talaga tayo, hindi lang alam ng 90% ng mamamayan! Kaya ganun na lang ang panggigigil ni Atty. Roque nang makapanayam siya sa programang Failon at Sanchez kamakailan. Ako ay nanggigigil na rin. Napakaraming tanong na naman sa proyektong ito.

Una, bakit pumasok sa ganitong kontrata ang adminis­tras-yong Arroyo, na nataon muli, sa isang kompanya na naman sa China? Ano ba ang utang na loob ni President Arroyo sa China, at halos lahat na lang ng mga malalaman na proyektong inprastraktura ay binibigay sa kanila? Pangalawa, bakit ngayon ay humihingi ng karagdagang pera ang mga Chinese sa halagang $299 milyon para matuloy ang proyekto, kundi, sa loob daw ng 30-60 na araw, mag-aalsa balutan na sila. Sila pa ngayon ang nagbabanta! Paano na pala ang ibinayad na nating $150 milyon sa kanila? Sa kanila nga ba napunta ang pera? At alam ba ninyo, na nagbabayad tayo ng halos isang milyon kada araw para sa interes pa lang ng nautang na nating pera?

ANG NORTHRAIL

COUNTRY

HARRY ROQUE

NORTH RAIL

PILIPINAS

PLACE

PRESIDENT ARROYO

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with