MAPALAD akong makausap ang pamunuan ng Unilab-Therapharma, ang kanilang General Manager, Mr. John Dumpit at ang charming na Assistant Manager, Ms. Wenchie Keyser.
Bilang isang cardiologist, madalas kong gamitin ang mga gamot ng Therapharma. Sa altapresyon, ang paborito ko ay ang Hytaz (generic name HCTZ 12.5 mg) na nagkakahalaga lang ng P5 bawat tableta. Ang Hytaz 12.5 mg tablet ay iniinom isang beses sa maghapon. Pinakamura ito ngayon sa merkado!
Amvasc BE: Ang sekreto ng cardiologists
Para sa matataas ang presyon, napakaganda ng Amvasc BE 10 mg (generic name Amlodipine). Ang Amlodipine ang number 1 na nirereseta ng mga doktor sa buong mundo. Ang Am vasc BE 10 mg ay binibigay ko ng kalahating tableta lang, isang beses sa maghapon. Ang presyo nito ay P24, at dahil kalahati lang ang kailangan, ang gastos natin ay P12 lang sa isang araw. Ito na po ang pinakamabisang gamot sa altapresyon.
Marami akong nakikitang pasyente na nagmamakaawa, “Dok, ayaw talaga bumaba ang presyon ko. Nakatatlong palit na ako ng gamot, wala pa rin nangyayari.” Ang sagot ko ay simple lang, “Siguro, hindi ka pa nabigyan ng Amvasc, ang pinakamalakas sa lahat ng mga gamot sa altapresyon.”
Kaya kahit ang presyon mo ay 150/100, 180/110, o kahit 220/120, kaya pa rin iyan ng Amvasc BE 10 mg. Mag-umpisa sa half tablet. Kung kulang pa, itaas na sa 1 tablet. Siguradong kalmado ang blood pressure mo.
Ang aking tatay na 85 years old at ang aking lola na 98 years old ay parehong umiinom ng Amvasc.
Magtanong sa Therapharma:
Marami pang sikat na gamot ang Unilab-Therapharma tulad ng Vidastat sa mataas na kolesterol, Therabloc sa tibok ng puso, Lifezar, Combizar, at Vascor sa altapresyon, at Norsulin sa diabetes. Kung narinig na ninyo ang mga gamot na ito, siguradong safe at makatitipid pa kayo.
Ito kasi ang layunin ng Unilab-Therapharma sa programang “Pharmaco-economics.” Ang ibig sabihin ay mura at mabisa ang gamot.
Salamat sa Unilab sa pagtulong sa aming mga charity missions, dito sa Philippine STAR at sa ABS-CBN’s Salamat Dok. Sana ay marami pa kayong matulungan.
Kung kayo ay may ta-nong tungkol sa mga ga- mot ng Therapharma, tuma- wag lang sa telopono 637-4890 at 1-800-10-6-HEALTH (432584). Libre ang tawag dito. Good luck po!
* * *
Salamat kay Mr. Josh Fuentes, Valerie Banaynal, Patricia Ann Perez at Ivy Sia sa mga libreng gamot para sa aming charity patients.
* * *
E-mail: drwillieong@gmail.com