^

PSN Opinyon

Mabisang gamot mula sa Unilab-Therapharma

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MAPALAD akong makausap ang pamunuan ng Unilab-Thera­pharma, ang kanilang General Manager, Mr. John Dumpit at ang charming na Assistant Manager, Ms. Wen­chie Keyser.

Bilang isang cardiologist, madalas kong gamitin ang mga gamot ng Therapharma. Sa altapresyon, ang paborito ko ay ang Hytaz (generic name HCTZ 12.5 mg) na nagkaka­halaga lang ng P5 bawat tableta. Ang Hytaz 12.5 mg tablet ay iniinom isang beses sa maghapon. Pinakamura ito nga­yon sa merkado!

Amvasc BE: Ang sekreto ng cardiologists

Para sa matataas ang presyon, napakaganda ng Amvasc BE 10 mg (generic name Amlodipine). Ang Amlodipine ang   number 1 na nirereseta ng mga doktor sa buong mundo. Ang Am  vasc BE 10 mg ay binibigay ko ng kalahating tableta lang, isang beses sa maghapon. Ang presyo nito ay P24, at dahil kalahati lang ang kaila­ngan, ang gastos natin ay P12 lang sa isang araw. Ito na po ang pinakamabisang gamot sa altapresyon.

Marami akong nakikitang pasyente na nagma­makaawa, “Dok, ayaw talaga bumaba ang presyon ko. Nakatatlong palit na ako ng gamot, wala pa rin nang­yayari.” Ang sagot ko ay simple lang, “Siguro, hindi ka pa nabigyan ng Amvasc, ang pinakamalakas sa lahat ng mga gamot sa altapresyon.”

Kaya kahit ang presyon mo ay 150/100, 180/110, o kahit 220/120, kaya pa rin iyan ng Amvasc BE 10 mg. Mag-umpisa sa half tablet. Kung kulang pa, itaas na sa 1 tablet. Sigu­ra­dong kalmado ang blood pressure mo.

Ang aking tatay na 85 years old at ang aking lola na 98 years old ay parehong umiinom ng Amvasc.

Magtanong sa Therapharma:

Marami pang sikat na gamot ang Unilab-Therapharma tulad ng Vidastat sa mataas na kolesterol, Therabloc sa tibok ng puso, Lifezar, Combizar, at Vascor sa altapresyon, at Nor­su­lin sa diabetes. Kung narinig na ninyo ang mga gamot na ito, siguradong safe at makatitipid pa kayo.

Ito kasi ang layunin ng Unilab-Therapharma sa programang “Pharmaco-economics.” Ang ibig sa­bihin ay mura at mabisa ang gamot.

Salamat sa Unilab sa pagtulong sa aming mga charity missions, dito sa Philippine STAR at sa ABS-CBN’s Salamat Dok. Sana ay marami pa ka­yong matulungan.

Kung kayo ay may ta-nong tungkol sa mga ga-    mot ng Therapharma, tuma-  wag lang sa telopono 637-4890 at 1-800-10-6-HEALTH (432584). Libre ang tawag dito. Good luck po!

* * *

Salamat kay Mr. Josh Fuentes, Valerie Banay­nal, Patricia Ann Perez   at Ivy Sia sa mga libreng gamot para sa aming charity patients.

* * *

E-mail:   [email protected]

AMVASC

GAMOT

MSOMAL

SHY

THERAPHARMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with