^

PSN Opinyon

Idilat ang mata

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

TAMA si Mayor Jojo Binay! Kailangang pagandahin ang Metro Manila Rail system bilang tugon sa krisis ng transportasyon hatid ng pagbulusok ng presyo ng langis. Ang dating 200,000 hanggang 500,000 na pasahero ng MRT kada araw ay ngayo’y aabot ng 1 million riders per day. Ang LRT, tiyak 100% din ang dinami ng parukyano.

Hindi lamang ang TREN ang napapanahon. Sagarin na rin ng husto ang kapasidad ng mga Metro Star Ferry na bumabaybay sa Ilog Pasig. Tiyempung-tiyempo ang ginawang pagdagdag ng mga terminal at sasakyan na alternatibo sa naghihingalong namamasahe.

Kung seryoso ang pamahalaan sa pagbigay ng solusyon sa suliraning ito, tama lang na dagdagan ang mga sasakyan at pahabain pa ang operating hours nitong mga public mass transport. At dahil desperado ang sitwasyon, kailangang masikmura rin natin ang mga panukalang makapag­pa­pagaan sa pinapasan ng mga motorista. Tulad ng mga regulasyon na naglilimita sa paggamit ng sasakyan at ng gasolina; ang pagtulak ng carpooling, lalo na sa mga pampublikong tanggapan at ang pakikipagsapalaran sa alternatibong gasolina tulad ng LPG at, siyempre, ang biofuels. Sa amin sa PLM, pinalalawak na ang parking area para sa mga motorsiklo at bisikleta dahil sa napipintong pagdami ng mga ito. Sa lahat ng konseho sa bansa, oras nang talakayin ang mga panukalang zoning tulad ng bicycle lanes at pedestrianization.

Pabor din naman ang pagtipid ng mga motoristang namamasahe roon sa mga naiwang ipinapagsapalaran   ang kanilang mga sasakyan. Dahil nabawasan ang mga sasakyan sa lansangan, kumokonti rin ang oras at gasolinang nauubos sa traffic.

Panibagong mga milyonaryo ang ibubunga ng sitwasyon ng langis. Ang mga maa­gang mag-iinvest sa mga alter­natibong mga gaso­lina, sasak­yan, mga acce­ssories nito (tulad ng helmets, backpacks, etc.) ay tatabo nang husto ka­pag masuwertehan   ang timing ng pagtaas ng demand.

Ang punto ay ito. Matagal na rin tayong bihag ng mga bansang mayaman sa langis. Ngayo’t dilat na ang mata naitn, huwag nang mag-atubili dahil mara­mi tayong alternatibo.

vuukle comment

DAHIL

ILOG PASIG

KAILANGANG

MAYOR JOJO BINAY

METRO MANILA RAIL

METRO STAR FERRY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with