Galunggong...
ANG isdang Galunggong o mackarel ay extremely popular sa mga Pilipino. Dahil kahit sino, bata man o matanda at mahirap man o mayaman, kumakain at makikita sa hapag-kainan ang isdang ito.
Sa mga Pinoy na pangingisda ang hanapbuhay, galunggong ang pangunahing produkto na kanilang pinagkakakitaan dahil sa pagiging mabili nito sa mga palengke.
Subalit, natuklasan ng BITAG na may kakaibang industriyang maaaring makaapekto ng malaki sa hanap-buhay ng ating mga lokal na mangingisda.
Natuklasan ng BITAG sa Navotas Fishport Complex ang smuggling o pagpupuslit at diversion ng mga impor-ted frozen galunggong na mula sa
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ipinagbabawal ang pagpasok sa Pinas ng mga imported na galunggong mula sa
Ito’y upang maprotektahan ang mga Pilipinong mangingisda dahil marami sa mga kababayan natin ang umaangkat nito. Kung hahayaang pumasok sa bansa ang mga imported galunggong, saan pa dadalhin ng mga kababayan natin ang kanilang mga huling galunggong sa pangingisda. Kaya naman base sa Fisheries Order # 195 ng BFAR, ipinagbabawal ang pagpasok nito sa bansa kaya lumalabas mga puslit o smuggled ang mga ito.
Nagbibigay lamang ng importation permit ang BFAR sa mga kumpanya ng sardinas o cannery. Subalit diretso dapat ito sa storage facility ng mga nagsasardinas at hindi dapat na itinitinda at inilalako saanmang pamilihan.
Eto ang tinatawag na Diversion at sa Navotas Fishport Complex, lantaran ang bentahan at bilihan sa loob nito mismo, ng lingid sa kaalaman ng mga kinauukulan.Ang nasa likod nito, ilang gahamang negosyante.
Sa tulong ng isa ring negosyante sa Navotas Fishport na lumapit sa BITAG, natuklasan namin ito. Ang dahilan ng kanyang pagsusumbong, apekta- do silang mga legal na nag nene gosyo ng isda.
Ang imported frozen galunggong kasi mula
Mga babaeng galunggong ito, sabi nga ng mga negosyanteng naka-transaksiyon namin sa isinagawang surveillance-undercover ng BITAG.
Bukod dito, higit na mas mababa ang halaga ng imported frozen galunggong kesa sa galunggong natin. Kaya naman, ayon sa negosyanteng nagrereklamo, talagang pinapatay silang mga legal na nagnenegosyo at nagbebenta ng sarili nating galunggong.
Kasama ang mga operatiba ng Presidential Anti-Smuggling Group o PASG, nakulimbat ang mahigit sampung milyong pisong tone-toneladang kilo ng mga imported frozen galung-gong sa Navotas Fishport Complex at isang storage facility sa Tondo, Maynila.
- Latest
- Trending