^

PSN Opinyon

Talamak na ang jueteng sa Bicol!

- Bening Batuigas -

NASAAN na kaya ang jueteng whistleblower na si Boy Mayor? Kaya ko naitanong ito mga suki ay dahil sa talamak na ang jueteng sa Bicol subalit tahimik pa si Boy Mayor. Me pakinabang na kaya si Boy Mayor sa jueteng sa Bicol kaya’t may tapal na ang bunganga niya? Posible, di ba mga suki? Kasi nga kung walang pakinabang si Boy Mayor sa jueteng nina Bong Villafuerte ng Camarines Sur, Boy Bata at Ato Umali sa Camarines Norte, Nora de Leon at Atty. Baltazar sa Albay at Albin Yao sa Sorsogon tiyak mag-iingay siya tulad ng ginawa niyang pagtestigo sa Senado noon. Subalit sinabi ng mga kausap ko na pinagsisihan na ni Boy Mayor ang pagiging testigo niya. Palagi niyang ipinangalandakan sa Bicol na nagamit lang siya ng tropa nina Lingayen-Dagupan Arch. Oscar Cruz, ng Krusada ng Bayan laban sa Jueteng at nina Sen. Ping Lacson at Nene Pimentel, he-he-he! Buti nga ke Boy Mayor, di ba mga suki? Dahil sa katahimikan ni Boy Mayor, medyo nakahinga nang maluwag si Bicol Police Director Chief Supt. Paterno Bangui habang yumayabong ang kubransa ng jueteng sa area niya. Siyempre, palagi ring nakangiti si Bong Villamayor na nagyayabang na RD siya ng pulisya sa Bicol at si Bangui ang deputy niya. At si Hermie Herrera? Siya nga ang tumatayong bagman ni Bangui subalit ang tunay na trabaho niya mga suki ay administrador ng jueteng ni Villamayor. At dito kay Herrera dumadaan ang lingguhang intelihensiya sa Bicol kaya ang amo niya na si Villamayor ang kumikita at hindi si Bangui. Gets n’yo mga suki? He-hehe! Pasasaan ba’t tatamaan din ng kidlat sina Herrera at Villamayor, na anak ni Rep. Luis Villafuerte na bagyo sa Palasyo. Teka nga pala, bakit nababanggit din ni Villamayor si Presidential Son Rep. Datu Arroyo sa jueteng sa Bicol? Lumiliwanag na kung bakit untouchable si Bong Villafuerte kung jueteng ang pag-uusapan, di ba mga suki? Sa totoo lang, umaabot sa P5.3 milyon ang kubransa ng jueteng ni Villamayor sa Camarines Sur. Sa Bula, ang kubransa ay P500,000 kada araw; Bato, P250,000; Cabuso P150,000; Iriga City, P600,000; Pili, P400,000; Sipucot, P300,000, Gatchitorena, P130,000; Ocampo, P120,000; Naga City, P700,000; Ca­maligan, P180,000; San Fer­nando, P220,000; San Jose P140,000; Pamplona, P300,000; Lupi, P180,000; Nabua, P250,000; Goa, P180,000; Lagaray, P120,000 Del Gallego P150,000 at Libanan P400,000. Ano kaya ang masabi ni Interior Sec. Ronaldo Puno sa jueteng sa Camarines Sur, ang probinsiya ng kaibigan niyang si Rep. Villafuerte?
Sa totoo lang Secretary Puno, Sir, walang magawa si General Bangui para mapatigil ang jueteng sa Bicol dahil malakas din si Villafuerte sa Palasyo. Dag­dagan pa ng impluwensiya ni Rep. Arroyo, di ba mga suki? Hanggang  kailan kaya ang suwerte ni Bong Villafuerte?

Abangan!

BANGUI

BICOL

BONG VILLAFUERTE

BOY

BOY MAYOR

CAMARINES SUR

CITY

JUETENG

VILLAMAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with