^

PSN Opinyon

P200 million gastos ng Kamara

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HINDI tatantanan ng ilang kongresista ang pamunuan ng House of Representatives sa multi-million halaga para pagarbohin ang gusali nito kaya naman naggagalaiti sa inis ang ilan dahil inuna pa daw ang pagpapabongga samantala ang kanilang Priority Development Assistance Funds (PDAF) o pork barrel ay dehins pa ibinibigay sa ilang kongresista.

Naku ha!

Tinuligsa ni Gabriela Rep. Liza Maza si House Speaker Prospero Nograles sa paggastos ng P200 million para sa renovation ng main building ng kongreso habang grabe ang problema ng Philippines my Philippines tulad ng pagtaas ng presyo ng bilihin, food and rice shortage at ang fuel cost crisis.

Bakit nga ba?

Mas mabilis na nailabas ang funding sa pagpapaganda ng Kamara pero ang pork barrel ng ilang kongresista na dapat magamit nila sa mga constituent nila ay hindi pa naibibigay.

May ilang bahagi ng gusali sa House ang hindi na dapat pinaganda pa anang mga kritiko ni Nograles.

Kailangan ng performance ng mga mambubutas este mali mambabatas pala meron pang mga gawain na importante hindi kailangan ng madlang people ng Republic of the Philippines ang magandang Kongreso kung mabagal naman sila sa pagpapasa ng mga importanteng butas este batas pala.

Gusto ni Maza na alisin na ang PDAF kung hindi mailalabas ito sa tamang oras ng government of the Republic of kamote este mali Philippines pala.

Sabi ni Maza, ang PDAF ay nagiging source ng graft and corruption.  Bakit kaya?

Kailangan daw ang pork barrel ng mga legislators as well as the executive branch sa Philippines my Philippines ay ma-divert sa poverty alleviation program ng pamahalaan para masiguro ang enough food security at  mabawasan ang burden ng madlang people.

Bumandera naman si Anakpawis party-list Rep. Rafael Mariano na dapat ginamit na lamang ang ginastos na pitsa sa mga victims ng bagyong Frank at sa mga biktima ng lumubog na barkong MV Princess of the Stars.

May punto ang dalawang kongresista kung ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin dapat sa ma -e-erap na lamang ginastos ito kaysa sa pagpapaganda ng Batasan Complex.

Ang pondo pala sa pagpapagarbo ng gusali ay matagal ng inaprobahan bago pa magkaroon ng kalamidad.

Abangan.

Giyera patani ng grupo nina Don Ramon at Pinong sa QC

KUMUHA na pala ng mga  hired killer sina Don Ramon at Pinong ang dalawang kamoteng gambling lord sa kyusi para bigyan proteksyon ang kanilang self sa maaring mangyari sa kanilang life.

Si Don Ramon, ng Solis Tondo ay kilalang-kilala palang druglord sa Montalban dahil uminit ito todits kaya nagpunta sa Kyusi kasama si Boyet Kalabaw, ang kanyang tuta.

Nagulo ang grupo ng mga manunugal sa Kyusi ng pumasok si Don Ramon todits at tapalan ng pitsa ang kanyang alalay lespung alalay na si Jess.

Si Jess ang tumatakot sa grupo ng mga kalaban ni Don Ramon partikular ang mga galamay ni Pinong.

May pitong bangka pala ng sugalan sa Kyusi sina Litong motor, Pinong, Pining at  Ver Bikol na naggagalaiti sa galit dahil pinasok ang mga teritoryo nila at sinulot ang mga kamoteng tauhan ng bawat isa.

Sa sulutan nangyari ay may mga premyo ang sasama kay Don Ramon sabi ng mga bataan ni Pinong dahil binibigyan ng malaking pera, sasakyan ang mga pumasok sa una.

Sabi nga, bonus!

Kaya naman masayang-masaya ang mga management, kabo mayor, semi kabo at kubrador sa pagpasok ni Don Ramon.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago’ sabi ng kuwagong sugarol

Abangan.

ABANGAN

BAKIT

DON RAMON

KYUSI

PINONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with