Kilalanin at umiwas mabiktima ng grupong nasa likod ng ATM theft! (2)
BABALA ng BITAG, ang target ng grupong nasa likod ng mga ATM theft ay mga machines na isolated at wa- lang guwardiya.
Eto ang paboritong biktimahin katulad ng Ruler Gang na natimbog ng Station 11 ng Manila Police District.
Malayang nagagawa ng sindikato ang pagkakabit ng mga metal case sa cash gate ng mga ATM kapag walang nagbabantay na guwardiya.
Ang nakakabahala rito, paulit-ulit ang pangyayari kung kaya’t ang bilang ng mga kliyente ng banko na nabibik-tima ay nadadagdagan din.
Ngayong naibunyag na ang estilo ng Ruler Gang sa makabagong paraan ng kanilang pagnanakaw sa mga card holders ng banko, mapa-ATM man o credit card, narito ang ilang tips upang huwag mabiktima ng ganitong modus.
UNA para sa banko. Ayon kay Col. Nelson Yabut, paigtingin ng banko ang kanilang security measures.
Dahil sa mahinang sistema ng banko sa kanilang seguridad, nakakakita ng pagkakataon ang sindikatong maisagawa ang modus.
Dapat siguraduhin ng pamunuan ng bawat banko na may mga lehitimong security guards na magbabantay sa bawat ATM machines.
Hindi sapat na CCTV surveillance camera lamang ang ilagay sa bawat machines, kinakailangang may alarm ito kung may iregularidad na nangyayari sa machine.
Katulad ng pagkakabit ng sindikato ng kung anu-ano sa machine na ginagamit pang-hack sa card information at pera ng mga nagwi-withdraw.
Isa na rito ay ang metal case na ibinabara sa cash gate para harangin ang paglabas ng mga pera at skimming machine na ipinapasok sa bunganga ng pasu- kan ng card para kopyahin ang lahat ng information na ginagamit upang makagawa ng duplicate nito.
Nararapat na ring baguhin ang itsura at physical composition ng mga machines na pamilyar na sa sindikato.
Kabisado na raw kasi ng mga grupo na gumagawa ng ganitong modus kung anong parte ng machine ang pupuwede nilang gayahin, kabitan ng gadget at equipment na ginagamit sa pagnanakaw.
Abangan ang huling bahagi, babala at tips para sa mga kliyente ng banko upang huwag mabiktima ng ganitong modus.
- Latest
- Trending