^

PSN Opinyon

Kapalpakan ng Napolcom sa ilalim ni Director Sablay

- Bening Batuigas -

(Simula)

MAITUTURING pa bang may kredibilidad sa mata ng mamamayan ang National Police Commission (Napolcom) kung ang mga opisyales at mga kawani nito’y magkataliwas ang layunin? Ayon kasi sa mga sumbong na nakarating sa akin, labis umano ang pagkairita ng mga kawani ng naturang ahensya dahil napakaraming kapalpakang ginawa si Director Sablay sa kanilang tanggapan.

Paano pa nga ba makapaglingkod ng maayos ang naturang ahensya kung sila-sila mismo ay magkataliwas ng prinsipyo. Dati ko nang nababanatan ang tanggapang ito dahil sa pagka-inutil sa paglutas sa mga kasong isinampa ng ilan nating mga kababayan sa pang-aabuso ng ilang kawani ng Philippine National Police (PNP).

Ang NAPOLCOM ay  nasa ilalim ng pangangasiwa ni Secretary Ronaldo Puno ng Department of Interrior and Local Government (DILG) na ang faction ay ang duminig sa mga reklamo ng mga sibilyan laban sa pang-aabuso ng kapulisan.

At dahil sa inutil ang mga opisyales dito kabilang na si Secretary Puno ay inaamag muna ang asunto bago mahusgahan ang isang pulis na nagkakasala. Kaya kadalasan ay napipilitan na lamang ang ilang complainants na magpaareglo sa kanilang mga inireklamong pulis sa takot na mapagbuntunan sila ng galit.

At dahil dito nagkusang lumapit ang ilang kawani ng naturang ahensya sa akin upang ibigay ang ilang kapalpakan ni Dir. Sablay sa kanilang ahensya. Kabilang na rito ang rehabilitasyon ng electrical system ng gusali. Maganda umano ang layunin ng pag-upgrade sa lahat ng linya ng mga koryente upang maiwasan ang sunog sa kanilang opisina,dahil sobra-sobra na umano ang mga equipment na naka-load kayat nararapat na lamang na baguhin na ang lahat ng linya ng mga koryente upang maiwasan ang over loading o short cercuit.

Karapat-dapat lamang umano na kumpunihin na ang buong gusali dahil sa may kalumaan na ito. Kung baga’y kahalintulad na rin ng mga asuntong nakabinbin na inamag na at sinaputan na ng gagamba dahil sa katagalan, he-he-he!

Ang naturang pagkumpuni ay nasimulan na noong pang Abril 15 at tinatayang matatapos sa Oktubre ng taon na ito. Kung anong bagal ng pagdinig sa mga asunto sa mga abusadong pulis ay gayon din kabagal ang pagkumpuni. Get n’yo mga suki?

May kabuuang P22,333,455.20 ang halaga ng rehabilitition ng naturang gusali  ngunit ang pinagtataka ng mga kawani ay kung  saan mapupunta ang sobrang salapi sa pondong P25 milyon.

(Itutuloy)

vuukle comment

DAHIL

DEPARTMENT OF INTERRIOR AND LOCAL GOVERNMENT

DIRECTOR SABLAY

NATIONAL POLICE COMMISSION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SECRETARY PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with