KAPAPALABAS lamang ng BITAG nitong nakaraang Sabado ang sitwasyon sa mga mahahabang pilahan sa mga pangunahing palengke sa Metro Manila ng tig-P25 na bigas ng NFA.
Katulad ng inaasahan, reklamo at alburuto ng ating mga kababayan ang naidokumento ng BITAG.
Kung paano sila maghapong nagbibilad sa araw, nagtitiyaga’t ginugutom sa kapipila at buong araw ng nakapila subalit hindi pa umabot sa cut off ng bentahan ng P25 kada kilong NFA rice.
Hindi pa man natatapos na ipalabas ang segment na pinamagatan naming “Buwisit na P25 Pesos na Pilahan (NFA Rice Story)”, sunod-sunod ang pagdadatingan ng mga text messages sa aming text hotline.
Isa sa mga nakatawag ng pansin ng BITAG ang isang text message na ilang beses rumehistro sa aming text hotline dahil sa haba ng kanyang mensahe.
Ito ang nilalaman ng text message na aming binabanggit:
Mr. Tulfo, paki-BITAG ninyo ang pilahan dito sa lower Bicutan dahil sobrang sungit talaga ng matandang retailer na nagbebenta dito ng NFA rice. Nagtitiis na nga kami sa sobrang haba ng aming pinipila pero kapag nakita niyang lumang pera ang aming ibinabayad ay ayaw niyang tanggapin at pilit kaming pinapaalis sa pilahan. May pagkakataon po na kapag isang kilo lang ang aming bibilhin ay nagagalit din siya at pinaaalis din sa pilahan, paano kung ‘yun lang ang perang talagang pambili lang ng nakapila? E di wala silang kakainin sa araw na iyon? Ang masakit pa po dito, may bayad na P2 piso ang kanyang plastic at hindi daw kami puwedeng magdala ng sarili naming plastic o lalagyanan. Sobra naman pong pahirap ito, tinitiis na lang naming pumila dahil nag-iisa lang siyang retailer na mabibilhan dito sa amin. Kung hindi naman kami pipila sa kanya ay hindi kami makakabili ng murang bigas. Kami na nga itong mahirap, naghihirap pa na pumila kami pa inaagrabiyado dahil sa P2 plastik at pagalit ng retailer…number withheld
Hindi BITAG ang nagsasalita dito kundi si Juan dela Cruz mismo na nakakaranas ng kalbaryo’t sakripisyo sa mga buwisit na pilahan sa kokonting outlet ng P25 NFA rice sa bawat palengke.
Maging ang National Food Authority, aminado na negatibo ang naging resulta sa mamamayan dahil sa sistemang isang authorized retailer outlet kada paleng ke, binanggit ito ni Rex Toperez, NFA-Director for Public Affairs na ipinalabas din naming nitong Sabado.
At ayon nga kay Economist and former Executive Secretary Oscar Orbos, may pagkukulang at mali sa sistema, na kanyang tinumbok, sa Department of Agriculture. North to South ang ginawang paglilibot ng BITAG sa mga palengke sa Metro Manila, makita lamang ang tunay na sitwasyon sa mga pilahan sa P25 bigas ng NFA, iisa ang sitwasyon, pare-pareho ang hinaing at reklamo. Kelangan pa bang buong Pilipinas ang aming libutin para makarating kay Agriculture Secretary Yap na palpak ang kanyang Ikala wang Programang, masiguro ang tamang pama-mahagi / pagbebenta ng mga murang bigas ng NFA rice sa mga pamilihang bayan? Hindi lang BITAG ang naghihintay dito ng kasa gutan, kundi mayorya ng mamamayan ng buong Pilipi nas na tumatangkilik sa murang bigas ng NFA.