^

PSN Opinyon

Conflict of personal interest

- Roy Señeres -

INATRAS diumano ng mga jeepney operators at drivers ang kanilang demand na itaas ang minimum fare sa P10, upang mabigyan ng pagkakataon ang gobyerno na maghanap ng ibang paraan upang maiwasan na itaas ang pasahe, upang hindi na mahirapan ang mga pasa­hero. Binigay nilang halimbawa ang pagpababa o di kaya ang pag-alis ng VAT sa krudo na ginagamit ng mga jeepney, upang hindi na maging mahal ang kanilang gastos.

Sa totoo lang, hindi lamang mga pasahero ang nahi­hirapan sa pagtaas ng pasahe, nahihirapan din ang mga driver at operator sa pagtaas ng krudo, dahil nalulugi na sila sa pagtaas ng gastos. Ang tanong ngayon, papayag kaya ang gobyerno na ibaba ang VAT sa mga binibili nilang krudo?

First of all, malinaw na nakikinabang ang gobyerno sa pagtaas ng presyo ng krudo, dahil tumataas ang kinikita nila sa VAT tuwing tumataas ang presyo ng krudo. Ito ang conflict of interest sa side ng gobyerno, kaya medyo mahirap sa kanila ang gumawa ng decision na hindi pabor sa kanilang interest. Ganon pa man, tungkulin din ng gobyerno na bigyan ng proteksiyon ang interest ng mga tao, kaya matindi talaga ang conflict of interest nila.

Sa normal na situation, maaring magsakripisyo ang gobyerno upang bigyan ng halaga ang interest ng mga tao. Kaya lang, hindi normal ang ating situation ngayon, dahil kailangan ng administration ang malaking pera upang magkaroon ng pondo ang huwad na termino ni Mrs. Arroyo.

Sa madaling sabi, ang personal na interest ni Mrs. Arroyo ang tiyak na papanigan ng gobyerno, at hindi ang interest ng mga tao. Nakalulungkot isipin ang katotohanan na ito. Ang gobyerno na para sa lahat ng tao ay parang nagiging gobyerno na lamang ng isang tao. Isang malaking pagsubok sa administration ni Mrs. Arroyo ang decision na ito, ngunit parang alam na natin kung ano ang magiging decision niya.

vuukle comment

BINIGAY

GANON

GOBYERNO

INTEREST

ISANG

MRS. ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with