EDITORYAL – Turuan ang mga pasahero sa oras ng trahedya at peligro
ISANG nakikitang dahilan kung bakit kakaunti ang mga pasaherong nakaligtas sa lumubog na M/V Princess of the Stars ay ang kawalan nila ng nalalaman kung paano ang gagawin sa oras ng peligro. At maaaring ibunton ang kawalang kaalaman na ito ng mga pasahero sa mga may-ari o opisyal nang lumubog na barko. Maitatanong dito kung nagkaroon ba ng demonstration ang personnel ng M/V Princess of the Stars kung paano ang gagawin sakali at inabot ng trahedya ang barko. Naituro ba sa mga pasahero ang tamang pagsusuot ng life jacket? Naituro ba sa mga pasahero ang kinalalagyan ng lifeboat o liferaft? Naituro ba kung paano ang gagawin sakali at nasusunog o unti-unti nang nilalamon ng dagat ang barko? Naituro kung saang direksiyon dapat tumalon ang mga pasahero sakali at sabihin ng kapitan na “abandon ship”?
Ang mga ganitong katanungan ay naglalaro ngayon sa isipan ng taumbayan lalo pa’t maliit na bilang lamang ng mga pasahero ang naitatalang nakaligtas. Sa sandaling sinusulat ang editoryal na ito, 48 pa lamang ang survivors sa may 862 pasahero nang lumubog na barko sa
Kapansin-pansin din na pawang mga lalaki ang nakaligtas at pinadpad sa baybayin ng Mulanay, Quezon. Karamihan sa kanila ay mga seaman kaya alam ang gagawin sa ganoong sitwasyon. Sinabi ng mga nakaligtas na maaaring nakulong sa tumaob na barko ang karamihan ng mga pasahero. Karamihan din umano sa mga pasahero ay ayaw tumalon sa tubig maski inanunsiyo ng kapitan na lisanin ang barko.
Tiyak na marami sa pasahero ng barko ang hindi nabigyan ng kaukulang instructions ng mga personnel ng barko kaya marami ang hindi nakaligtas. O mas inuna pang unahin ng mga personnel ng barko na iligtas ang kanilang sarili kaya nasira na ang mga dapat gawin. Nagkanya-kanya na silang ligtas ng sarili.
Isang malaking katanungan ngayon ay kung nagsasagawa nga ba ng demo ang mga kompanya ng barko sa kanilang mga pasahero bilang paghahanda sa oras ng kagipitan sa laot o naglalayag na lamang sila nang naglalayag dahil sa malaking pera na iniaakyat sa kanila ng pasahero.
Magsasagawa na ng imbestigasyon sa paglubog ng M/V Princess of the Stars at
- Latest
- Trending