^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Di na natuto sa trahedya

-

TAMA lang na suspindehin ang operasyon ng mga barko ng Sulpicio Lines habang iniim­bes­tigahan ang paglubog ng M/V Princess of the Stars. Kung hindi isususpinde ang kanilang operas­yon maaaring ipagpatuloy ang kanilang pagbibi­yahe at mayroon na namang mangyaring trahedya. Ang paglubog ng Princess of the Stars ay ikaapat na sa mga trahedyang kinasangkutan ng mga barko ng Sulpicio. At hindi na natuto ang Sulpicio sa mga nangyari sa kanilang trahedya. Dapat lang na itigil o kaya’y tuluyan nang kanselahin ang kanilang prankisa sa paglalayag. Hindi na dapat pang maulit ang trahedya na ang mga kawawang pasahero ang nagbuwis ng buhay. Napakasakit ng nangyaring ito na dahil sa kawalang ingat o kapabayaan ng barko ay namatay ang maraming pasahero. Habang sinusulat ang editoryal na ito, 57 na ang naitalang nakaligtas sa paglubog ng barko. Pinaniniwalaang marami ang nakulong sa tumaob na barko.

Kung noon pang 1987 sinuspinde ang operasyon ng mga barko ng Sulpicio, tiyak na hindi na nadag­dagan pa ang mga namatay sa trahedya. Imagine, 4,000 katao ang namatay nang bumangga ang M/V Doña Paz sa M/T Vector noong December 1987 sa karagatang malapit sa Oriental Mindoro. Kumalat ang langis mula sa Vector at nagliyab ang kara­gatan. Marami sa mga kamag-anakan ng mga bik­tima ng Doña Paz ay hindi pa rin matanggap hang­gang sa kasalukuyan ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay. At lalo pang umaantak ang sugat sapag­kat marami ang hindi pa umano nakatatang­gap ng kom­pensasyon mula sa Sulpicio.

Tatlong barko pa ng Sulpicio ang lumubog at nagbuwis ang maraming buhay. Noong October 1988, lumubog ang Doña Marilyn sa Leyte at 300 katao ang namatay. Noong September 1998, lumu­bog ang M/V Princess of the Orient sa may Cavite at Batangas at 200 ang namatay. At ikaapat nga ang M/V Princess of the Stars na 700 katao ang pinanini­walaang namatay.

Umuusad na ang imbestigasyon sa paglubog ng barko ng Sulpicio at sana naman sa pagkakataong ito ay makakakamit na ng hustisya ang mga biktima. Hindi rin dapat makaligtas sa pag-uusig ang Philippine Coast Guard na nagpahintulot maglayag    ang barko. Parehong gisahin ang mga ito.

BARKO

NOONG OCTOBER

NOONG SEPTEMBER

SHY

SULPICIO

V PRINCESS OF THE STARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with