CHED bakit pabaya sa review centers?
NU’NG Mayo 17 pumutok ang balita: Tinangay ng may-ari ng Northcap Review Center sa Baguio ang P1.2 milyong siningil mula sa 1,067 nursing graduates na nagre-review para sa board exams nitong Hunyo. Pang-rehistro
Sino ang dapat managot?
Isang krimen ang pagnakaw ng pera ng reviewers. Dapat iharap ng pulis at prosecutors ang salarin sa husgado. Pero hindi
Ani Dr. William Medrano mismo bilang CHED executive director, naiwasan
Nu’ng Nob. 28, 2007 kasi dapat ang deadline na ibinigay ng CHED sa halos 800 review centers na magpa-accredit. Pero nang malapit na ang petsa, in-extend ng CHED ang deadline nang anim na buwan, hanggang Mayo 28, 2008. Nakalusot tuloy ang Northcap sa supervision ng CHED.
Nang i-extend ang deadline, 30 nang matitinong centers ang na-accredit at 50 pa ang nag-file ng application.
Sa huli na lang nakita ng CHED ang pagkakamali. Hindi lang pala 1,067 nursing reviewers kundi 21 midwifery graduates din ang dinidal ng Northcap. Siningil nang tig-P800 ang midwifery examinees at P1,125 ang nursing, gayong P600 at P800 lang pala ang singil ng PRC sa pagrehistro.
- Latest
- Trending