^

PSN Opinyon

Congrats Judge Angeles!

- Al G. Pedroche -

MATAPOS ang napakatagal na pagdurusa sa “bilang­guang walang rehas” (figuratively speaking) tapos na ang kalbaryo ni Caloocan RTC Branch 121 Judge Adoracion Angeles na naunang hinatulang mabilanggo noong 1995 ng anim na taon ng Quezon City Regional Trial Court  sa kasong pang-aabuso at pananakit ng katulong na menor de edad. Ilang taon ding nirepaso ng Court of Appeals ang kaso, and finally, the verdict is “not guilty”.

Binisita ako sa aking opisina ni Judge Angeles. Naki­usap na mailathala ang pagkaka-absuwelto sa kanya ng CA. Para na ring nagdusa sa kalaboso si Judge dahil sa napakatagal na exposure niya sa kahihiyan. Mantakin mo’ng maikintal sa isip ng tao na ang isang kagalang-galang na hukom ay may kakayahang manggulpi ng katu­ long? In fairness, wala sa itsura ni Judge ang umbagera.

Sabi niya sa’kin, nang nasa kainitan ang kaso ay laman ito araw-araw at may prominensya sa mga pahayagan. Ngayong ganap siyang naabsuwelto aniya, magkaroon din sana ito ng equal publicity. Kahapon ay lumabas na sa PSN ang balita kaugnay nito kaya tatalakayin ko naman sa kolum. Sa kasong ito, napatunayan na ang batas ay pantay-pantay. Walang ordinaryong tao, walang public official at tulad nang pangyayaring ito, pati Huwes ay hindi nakalusot sa matagal at masalimuot na pagbusisi ng hustisya. Hindi minadali kundi nagtagal din ang review ng kaso. Kaya ang sabi ko sa kanya “Conrats Judge, you’ve finally gone over your agonizing hump.”

Sa desisyon ng CA sinabing nagkamali ang QC-RTC sa hatol kay Judge Angeles dahil binigyang bigat ang mga di-kapanipaniwalang testimonya  ng private complainant. Napakabigat ng mga akusasyon. Kesyo “minartilyo sa ulo, binanlian ng kumukulong tubig sa dibdib, tinadyakan sa ulo”, pero anang CA: “Walang aktuwal na testimonya ng mga duktor na nagsuri sa biktima.” Kaya ang me­dical certificate na nilagdaan lang ng record officer ng East Ave. Medical Center ay itinuturing lang na “hearsay” o sabi-sabi. Ang desisyon ng QC-RTC ay binaliktad ng CA dahil “walang ebi­den­sya” at sa ilalim ng batas saan mang panig ng mundo, ang taong inaakusahan ay kinukon­side- rang inosente kung walang matibay na ebi­densya.

vuukle comment

CONRATS JUDGE

COURT OF APPEALS

EAST AVE

JUDGE ADORACION ANGELES

JUDGE ANGELES

KAYA

MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with