^

PSN Opinyon

Paghihintay ng war veterans malapit nang matapos

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

MATATAPOS na ang matagal na paghihintay ng Pilipino veterans na nakipaglaban sa mga Hapones noong World War II. Maaari na silang makatanggap ng benefits na tinatanggap ng kanilang American counterparts. Tatala­kayin na kasi sa US House of Representatives ang HB 760 na may kaugnayan sa benefits ng Pinoy veterans.

Unang tinalakay at na-approved sa US Senate sa pamamagitan ni Sen. Daniel Akaka ng Hawaii noong April 24 ang tinawag na Filipino Veterans Equity Act o ang SB 1315. Lumusot ang nasabing panukala dahil matinding pinagdebatehan sa Senado. Upang maipasa ng US  House ang HB 760, kinakailangan ng 290 boto.Tinataya na mas madaling maipasa ito sa House kaysa sa nang-yari sa Senado.

Ang kailangan nga lamang ngayon ay ang pag­ kakaisa ng Pil-Americans upang ilakad sa kani-kanilang mga congressmen na suportahan ang nasabing panu­kala para madaling maipasa. Ang Coalition of Filipino War Veterans at ang National Federation of Pilipino Ame­rican Associations ay ilan lamang sa inaasahang tutulong upang masi­gurong makuha ang suporta na mailusot ang House Bill.

Napakahirap unawain kung bakit tumagal na mabigyan ng angkop na benepisyo ng US government ang Pilipino veterans. Natatandaan ko ang pangako ni US Pres. Franklin Delano Roosevelt sa mga Pilipinong sumama para makipaglaban sa mga Hapones noong World War II. Ayon kay Roosevelt, tatanggap ng kaukulang bene-pisyo ang mga Pilipino katulad ng tinatanggap ng mga sun­dalong Kano.

Dapat magtulung-tulong ang Pil-Ams at siguruhing magiging tagumpay ang matagal nang adhikain ng mga kababayang beterano na naghintay nang matagal na panahon sa ipinangako sa kanila. Marami sa mga beterano ay pumanaw na at hindi napakinabangan ang pinangarap na benepisyo.

ANG COALITION OF FILIPINO WAR VETERANS

DANIEL AKAKA

FILIPINO VETERANS EQUITY ACT

FRANKLIN DELANO ROOSEVELT

HAPONES

HOUSE BILL

PILIPINO

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with