Panghabambuhay na pakikipaglaban ng mga magsasaka
KUNG tama ang aking naaalala, panahon pa ni President Marcos ay ipinaglalaban na ng mga magsasaka ang mga lupang kanilang tinatamnan, pinaghihirapan. Sa loob ng 14 na taong kahirapan sa ilalim ng rehimen ni Marcos, halos walang lupain ang naitalaga sa mga magsasaka. Wala pa ngang kagawaran ng repormang pansakahan.
Nabuhayan ang mga magsasaka nang maganap ang EDSA Revolution noong 1986, nang itaguyod ni President Corazon Aquino ang Department of Agrarian Reform. Ito ang naging isa sa mga plataporma at adbokasiya ng administrasyong Aquino.
Sa panahon ng kanyang administrasyon,18 percent ng mga lupang sakop ng repormang pansakahan ang naitalaga sa mga magsasaka. Sa sumunod na administrasyon naman ni President Ramos, halos 53 percent ang naipamigay na lupain.
Sa ilalim naman ng administrasyong Arroyo, halos 15 percent lang ang naipamigay sa loob ng limang taon. Pinaka-mababa ito kumpara sa mga nakaraang administrasyon, pati na rin sa ilalim ni President Estrada kahit dalawa’t kala hating taon lang ang natapos na termino. Lahat ng mga impormasyong ito ay nasa aklat
Wala talagang nababakanteng panahon sa ating kasaysayan na hindi ipinaglalaban ng mga magsasaka ang kanilang lupang pinaghihirapan. Maraming okasyong nagpo-protesta ang mga ito sa iba’t ibang pamamaraan. May mapayapa, may marahas. At may mga okasyon na madugo at may napipinsala.
Ganito kainit at kapusok ang laban ng mga magsasaka. Sa loob ng higit 33 taon, hindi pa matapos-tapos ang laban. Tila panghabambuhay na pakikipaglaban ng mga magsasaka.
Kaya naman nagkaaberya ang isang sesyon sa Kongreso, nang naging malinaw na hindi maipapasa ang batas na magpapahaba pa ng limang taon ang programang repormang pansakahan lampas ng katapusan nito noong Hunyo 10, 2008. Nakakita na naman ng oportunidad ang Malacañang na magpapogi muli.
Pinirmahan ni President Arroyo bilang isang importanteng hakbang ang pagpapahaba pa ng CARP hanggang Disyembre 31, 2008. Ayon naman kay House Speaker Prospero Nograles, sapat na oras ito para mas mapag-aralan pa ng masinsinan ang programa, at maisaayos ang mga pagkukulang nito nang sa ganun ay lalong mapabilis pa ang pagbibigay ng lupain sa mga mararapat na magsasaka.
Pero base nga sa mga impormasyon na inilahad
May mga dahilang sinita rin si Dr. Borras, at isa na rito ang katiwalian sa kagawaran na limang iba’t ibang kalihim na ang namuno. Katiwalian na kabilang na ang P544 milyon na galing sa kayamanan ng mga Marcos na itinalaga para sa CARP, na tila ginamit sa pangangampanya ni Arroyo noong 2004 presidential elections.
May kasabihan na ang mga mahihirap at kapuspalad sa buhay ay dapat mayaman sa proteksiyon ng batas. Hindi ito natutupad sa administrasyong ito. Sa totoo lang, kabaliktaran ang nangyayari. Mga kasangga at kalapit ang mga yumayaman habang ang mga mahihirap, lalong naghihirap. At dahil sa sobra nang kahirapan, hinog ang panahon para sa mga binabatong mga “limos” ng pamahalaan sa mga mahihirap. Mga limos na nagsisilbing pampapogi, pampabango at pampaganda ng imahe.
May iba pa rin sigurong nabobola ang gobyerno na ito’y para sa mamamayan — hindi alintana na ito’y higit ang laki ng kapakinabangan sa mga kapittuko sa kapangyarihan kaysa sa mga nagdarahop dahil sa iba pang kabulastugang nagaganap sa gobyernong ito.
- Latest
- Trending