Dear Dr. Elicaño, ako ay 50 taong gulang at kasalukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia. Gusto ko po lamang magkaroon ng kaalaman tungkol sa prostate cancer. Ako ay isang matandang binata. Nababasa ko kasi na karaniwang nagkakaroon ng prostate cancer ay mga kalalakihang nasa edad 50. Sana ay mapansin mo ang aking sulat para madagdagan ang aking nalalaman ukol sa prostate cancer. Maraming salamat. —Melanio Alvarez
Maraming salamat sa pagsulat mo sa akin, Mr. Alvarez.
Maraming beses na akong nakapaglathala nang may kaugnayan sa prostate cancer at marahil hindi mo iyon nabasa. Baka hindi ka nakabili ng NGAYON diyan sa Riyadh. Gayunman, narito ang ilang mahalagang dapat malaman ukol sa prostate cancer.
Tama ka na karaniwang nagkakaroon ng prostate cancer ay mga kalalakihang may edad 50 pataas.
Bago ko talakayin ang prostate cancer, mahalagang malaman muna kung ano ang prostate.
Ang prostate ang nagpo-produce ng semen. Kasinglaki ito ng itlog ng manok at matatagpuan sa ibaba ng urinary bladder.
Walang eksaktong nakaaalam kung ano ang dahilan at nagkakaroon ng prostate cancer. Sa mga pag-aaral, karaniwang ang mga nagkakaroon ng prostate cancer ay mga kalalakihang iba’t ibang babae ang naka-sex. Itinuturo ring dahilan ng prostate cancer ay ang pagkakaroon ng sexually transmitted diseases (STD). Naiuugnay din ang prostate cancer kung ang lalaki ay mataas ang intake ng mga mamantikang pagkain ganoon din ang mga lalaking laging karne ang kinakain. Sa iba pang pag-aaral, natuklasang ang mga kalalakihang nakalantad sa cadmium ay mataas ang insidente na nagkaka-prostate cancer.
Walang sintomas na nakikita sa pagkakaroon ng pros-tate cancer. Ang prostate cancer ay nadidiskubre nang hindi sinasadya kapag may hindi magandang nararamdaman sa katawan.
Malalaman kung may prostate cancer kapag nagsagawa ang doktor ng digital rectal exam. Ipapasok ng doctor ang kanyang daliring may gloved sa ilalim ng rectum. Dito niya dadamahin kung ang gland ay matigas at lumalaki.
Malalaman naman kung anong stage na ang prostate cancer sa pamamagitan ng diagnostic ultrasound, computerized Tomography scans, Magnetic Resonance imaging at nuclear medicine bone scan.
Pagkatapos gamutin ang prostate cancer may ilang complications na nangayayari sa pasyen-te at ito ay hindi agad makaihi at meron ding hindi agad makontrol ang kanilang pag-ihi. Ang ilan ay nagiging impotent, may rectal symptoms, at ang pagkasira ng sperm cells.
Ilang paraan sa pag gamot ng prostate cancer ay ang pag-aalis sa bayag, pagbibigay ng female hormones at anti-hormones at ang pagsa sailalim sa chemotheraphy.
Ang prostate cancer ay magagamot kung ma tutuklasan nang maaga. Huwag mag-atubili ang mga kalalakihan na magpatingin sa doktor kung may suspetsang mayroong prostate cancer.