^

PSN Opinyon

Prostate cancer

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, ako ay 50 taong gulang at kasa­lukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia. Gusto ko po lamang mag­karoon ng kaalaman tungkol sa prostate cancer. Ako ay isang matandang binata. Nababasa ko kasi na kara­niwang nagkakaroon ng prostate cancer ay mga kalalakihang nasa edad 50. Sana ay mapansin mo ang aking sulat para madagdagan ang aking nalalaman ukol sa prostate cancer. Maraming salamat.  Melanio Alvarez

Maraming salamat sa pagsulat mo sa akin, Mr. Alvarez.

Maraming beses na akong nakapaglathala nang may kaugnayan sa prostate cancer at marahil hindi mo iyon nabasa. Baka hindi ka nakabili ng NGAYON diyan sa Riyadh. Gayun­man, narito ang ilang mahalagang dapat malaman ukol sa prostate cancer.

Tama ka na karaniwang nagkakaroon ng prostate cancer ay mga kalalakihang may edad 50 pataas.

Bago ko talakayin ang prostate cancer, mahalagang mala­man muna kung ano ang prostate.

Ang prostate ang nagpo-produce ng semen. Kasinglaki  ito ng itlog ng manok at matatagpuan sa ibaba ng urinary bladder.

Walang eksaktong nakaaalam kung ano ang dahilan at nagkakaroon ng prostate cancer. Sa mga pag-aaral, kara­ni­wang ang mga nagkakaroon ng prostate cancer ay mga kalalakihang iba’t ibang babae ang naka-sex. Itinuturo ring dahilan ng prostate cancer ay ang pagkakaroon ng sexually transmitted diseases (STD). Naiuugnay din ang prostate    cancer kung ang lalaki ay mataas ang intake ng mga ma­mantikang pagkain ganoon din ang mga lalaking laging    karne ang kina­kain. Sa iba pang pag-aaral, natuk­lasang ang mga kalalakihang nakalantad sa cadmium ay mataas ang insidente na nagkaka-prostate cancer.

Walang sintomas na nakikita sa pagkakaroon ng pros-tate cancer. Ang prostate cancer ay nadidiskubre nang hindi sina­sadya kapag may hindi magandang nararamdaman sa katawan.

Malalaman kung may prostate cancer kapag nagsagawa ang doktor ng digital rectal exam. Ipapasok ng doctor ang kanyang da­liring may gloved sa ilalim ng rectum. Dito niya da­da­mahin kung ang gland ay ma­tigas at lumalaki.

Malalaman naman kung anong stage na ang prostate cancer sa pa­mamagitan ng diagnostic ultrasound, computerized Tomography scans, Magnetic Resonance imaging at nuclear medicine bone scan.

Pagkatapos gamutin ang prostate cancer may ilang complications na nangayayari sa pasyen-te at ito ay hindi agad ma­kaihi at meron ding hindi agad makontrol ang ka­nilang pag-ihi. Ang ilan ay nagiging impotent, may rectal symptoms, at  ang pagkasira ng sperm cells.

Ilang paraan sa pag­ gamot ng prostate cancer ay ang pag-aalis sa bayag, pagbibigay ng female hor­mones at anti-hormones at ang pagsa­ sailalim sa chemo­thera­phy.

Ang prostate cancer ay magagamot kung ma­ tutuklasan nang maaga. Huwag mag-atubili ang mga kalalakihan na mag­patingin sa doktor kung may suspetsang mayro­ong prostate cancer.

vuukle comment

CANCER

MARAMING

PROSTATE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with