^

PSN Opinyon

Saludo sa Ciriaco Construction Corp.

DURIAN SHAKE -

ITO ay isang pagsaludo sa Ciriaco Construction Corporation dahil sa mabilis na pagtapos sa “new generation” Generoso Bridge na pumalit sa bumagsak na Generoso Bridge I sa Bankerohan public market.

Napakahalaga ng nasabing Generoso Bridge I dahil ito ay nagsilbing tulay ng mga patungong bahaging timog ng Davao City. May higit 50 taon na ginamit ang Generoso Bridge I bago bumagsak noong April 2007.

Malaking perwisyo ang dulot ng pagbagsak ng Generoso Bridge I sa daloy ng trapiko sa Davao City. Apektado halos lahat ng daanan dahil naging bottleneck ang nasabing area sa Bankerohan Market.

Naroong nag-aapoy sa galit si Mayor Rodrigo Duterte dahil nga sa bagal ng Department of Public Works and Highways sa pag-construct ng bagong tulay na papalit sa bumagsak na Generoso Bridge I.

Sinabi nga ni Duterte na kung naging local project lang ang tulay, eh ‘di ginawan na agad ng paraan ng city government na makahagilap ng pondo.  Eh, kaso, national govern­ment project ang tulay kaya DPWH ang may res­pon­sibilidad dito.

Umabot din ng ilang buwan bago nai-award sa Ciriaco ang proyekto noong nakaraang December.

At ang nasabing bagong tulay ay dapat sana sa Agosto pa matatapos, ngunit nagawang tapusin  ito ng Ciriaco nang mas maaga, na may higit 90 araw pa sanang nalalabi.

At ayon sa DPWH, maging ang halaga ng bagong tu­lay ay umabot lamang ng P206 million at may savings pa na P10-million ayon sa original project cost.

Maging si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando, sa isang nakaraang panayam ay tahasang sinabi na magaling na contractor ang Ciriaco.

Sinabi ni Fernando na walang ikababahala kapag Ciriaco ang gagawa ng proyekto. Dapat ngang malaman ni Fernando kung ano ang Ciriaco dahil siya mismo ay contractor din.

Kaya noong sinabi iyon ni Fernando, talagang binan­tayan ko ang nangyayari sa paggawa ng bagong tulay. Mukha ngang hindi nagkamali si Fernando dahil inanunsyo agad ng DPWH XI officials na magagamit na ang bagong tulay sa pagbukas ng klase noong June 10.

At totoo, laking ginhawa ngayon ng mga motorista dito sa Davao City dahil sa wakas maayos na rin ang daloy ng trapiko sa pagbukas nga ng Generoso Bridge.

Kaya nga malaking tanong din ito sa ibang infrastructure projects ng ating pamahalaan. Kung nagawa ng Ciriaco na tapusin ang Generoso Bridge nang mas maaga kaysa dapat na project implementation period nito, bakit may mga road projects sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na hanggang ngayon ay hindi pa gawa?

Nakapagtataka kung bakit ang isang kalsada ay parating nasa walang katapusang “construction phase”. May mga infrastructure projects pa riyan na ilang ulit nang tapos sa papel ngunit sa totoo lang, hindi pa nga ito nasisimulan. Tapos, gagamitin na naman ang nasabing mga kalsada para sa panibagong road projects upang makakalap ng panibagong pondo at panibagong pagkakaperahan.

Minsan nga magtataka ka kung bakit yari na nga ang isang kalsada, tapos biglang titibagin para sa panibagong proyekto. Bakit nga ba?

BRIDGE

CIRIACO

DAVAO CITY

FERNANDO

GENEROSO

GENEROSO BRIDGE

GENEROSO BRIDGE I

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with