EDITORYAL - Ang hindi malipol na Abu Sayyaf
KUNG mayroon mang dinadalangin ngayon ang mamamayan, iyan marahil ay ang pagkalipol ng Abu Sayyaf. Sa dami ng nagawa nilang kasalanan sa mamamayan, iisa ang hiling nila –— ang maubos na sila para magkaroon ng katahimikan at hindi na pangilagan ang Pilipinas. Sa totoo lamang, malaking kapintasan sa Pilipinas ang teroristang grupo. Sa halip na dito magtungo ang mga turista, pinipili nilang sa iba pang bansa sa
Ang Sayyaf na ayon sa military ay iilan na lamang ang miyembro ay paulit-ulit ang pangingidnap at ang pinakahuli nilang ginawa ay ang pagkidnap kay ABS-CBN broadcaster Ces Drilon at sa dalawang cameramen. Pinalaya na kamakalawa ang isa sa camera man. Una namang pinalaya ang guide nina Drilon na isang propesor sa
Magsasagawa ng follow-up story sina Drilon sa Maimbung, Sulu, nang kidnapin noong nakaraang linggo. Sabado. Ayon pa sa report, humihingi ng P10-milyon ransom ang mga dumukot na Sayyaf. Hindi kilalang grupo ng Sayyaf ang nasa likod ng pagdukot kay Drilon. Matigas naman ang paninindigan ng ABS-CBN sa “no ransom policy”.
Sa kabila na marami nang lider ng Sayyaf ang napatay, nananatili pa ring nakatayo ang mga terorista. Napatay na si Abu Sabaya, Kumander Robot, Khadafy Janjalani at Abu Sulayman. Tila walang epekto sa kanila ang pagkamatay ng mga lider sapagkat bumabangong muli at nakapagsasagawa ng pagdukot at pagpatay. Marahil ang tulong ng Al-Qaida ni Osama bin-Laden ang nagpapalakas sa grupo kaya kahit na watak-watak na ay naka- pagbubuong muli.
Walang awa ang Sayyaf at kahit na walang la-bang mga bihag ay kanilang pinapatay. Isang Amerikanong bihag ang pinugutan ng ulo. Sila rin ang kumidnap kay Martin at Sandra Burnham habang nasa isang beach sa
Ginagawa ang lahat ng negosasyon para mapalaya sina Drilon at kasama. Malaki ang paniwala na mapapalaya rin ang broadcaster at kanyang kasama. Ang hindi nga lamang alam ay kung totoong hindi magbabayad ng ransom. Kung maidadaan sa maayos na negosasyon ang lahat, maganda
Kailan nga ba malilipol ang salot na Sayyaf?
- Latest
- Trending