^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Patuloy pa rin ang sirkulasyon ng mga librong tadtad ng errors

-

TATLONG taon na ang nakalilipas mula nang ma­diskubre ng isang academic supervisor ang napa­ karaming errors sa mga textbook na ginagamit sa private at public school. Pero hanggang ngayon, ang mga librong iyon ay patuloy pa ring ginagamit hanggang sa kasa­lukuyan. Ang mga maling tala, spelling at impormasyon ang patuloy na pumapasok sa utak ng mga estudyante.    At hindi na nakapagta­taka kung ngayon ay maraming  estud­yante na mahina sa klase. Maraming walang alam. Sisihin ang mga librong maraming errors.

Ang krusada ng academic supervisor na Antonio Calipjo Go laban sa mga librong tadtad ng errors ay patuloy pa rin hanggang ngayon. Hindi siya tumitigil. At tila walang balak huminto, hangga’t hindi naisasaayos ang   mga error sa textbook.

At walang ibang masisisi sa patuloy na sirku­lasyon ng mga may error na textbooks kundi ang Department of Education (DepEd). Walang ngipin ang DepEd kung paano maipa­ hihinto ang distribution ng mga libro. Maski nag-isyu na ng memorandum si DepEd secretary Jesli Lapus para maitigil ang pamamahagi ng libro, sa mga school sa buong bansa ay balewala rin. Katwiran naman ng ilang teacher, hindi na raw mababawi pa sa mga school ang naidistribute. Kaya ang suhestiyon sa mga may errors ay gumawa na lamang ng mga listahan ng mali ay iyon ang ipauunawa sa mga estudyante.

Ano bang ideya meron ang DepEd at kailangang mangyari ang ganito? At kung hindi nga nadiskubre ang mga errors sa textbooks, baka hanggang sa katapusan ng mundo ay patuloy ito. At walang ibang magiging kawawa kundi ang mga estudyante, mapublic man o private.

Ang isang nakahahanga sa DepEd secretary ay ang pag-amin niya na talagang may mga mali sa libro na ginagamit sa mga private at public schools. Aminado si Lapus kaya naman nag-issue siya ng memo noong May 19 para i-withdraw ang mga libro. Iyon nga lang, patuloy din ang pagcirculate ng mga librong may errors.

Mula nang simulan ni Go ang krusada noong 2005, marami siyang nakitang mali sa halos 12 textbooks. Si Go na academic supervisor ng isang pribadong eskuwe­lahan sa Novaliches, Quezon City ay nagpahayag na ipagpapatuloy niya ang krusada laban sa mga librong may errors. Walang makitang pag-atras sa kanya kahit na kinasuhan siya ng kompanya ng libro na umano’y nang-eextort lamang siya. Nadismiss na ang kasong iyon.

Ang krusada ni Go ay nararapat lamang suporta­han para naman magkaroon ng mga librong may kalidad sa mga private at public schools. Kung hindi makikita ang mga pagkakamali sa mga libro, ano na lamang ang mangyayari sa mga estudyante. Kung patuloy ang mga pagkakamali sa mga libro, lalo walang matututuhan ang mga estudyante. Dapat ipagpatuloy ang paghahanap sa mga tama at dekalidad na libro sapagkat dito nakasalalay ang kinabukasan ng mga bata.

ANTONIO CALIPJO GO

DEPARTMENT OF EDUCATION

ERRORS

LIBRO

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with