^

PSN Opinyon

Globe Telecom, para sa inyo ‘to!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

SA pamunuan ng GLOBE TELECOM, nagawa ng BITAG na ipaabot sa inyo ang ginawang pagnanakaw ng sindikato sa inyong kompanya.

Kasabay nito, ipinagkaloob ng aming grupo sa BITAG ang karapatang makuha ang inyong panig at hakbang na dapat ninyong gawin.

Kami pa mismo ang lumapit sa inyong legal department na nagpakita lamang ng kanilang pagka-walang bahala sa isyu ng International Simple Resale o ISR.

Subalit nang maipalabas namin nitong nakaraang Saba-do sa BITAG ang segment na may pamagat na “KAWATAN”, inside story, tsaka kayo umaray.

Ang kakapal naman ng mga apog niyo para sabihing negatibo sa GLOBE ‘yung aming nai-feature. Ano bang palagay niyo sa amin, mga PR ninyo? Tsk-tsk-tsk!

Puwes, kayo na rin mismo ang dumumi sa kompanya ninyo at huwag ninyong ipalinis sa amin ang inyong ginawang basura. Ika nga sa salitang ingles, Garbage In, Garbage Out (GIGO kayo)!

Sinusubo na namin sa inyo, nagpiprisinta na ‘yung insider (asset na lumapit sa BITAG), nakonsensiya sa kanyang mga kaanak na dinamay niya ng walang kamuwang-muwang sa pagnanakaw ng kanilang grupo.

Dala na rin siguro ng takot na ang bawat kasamaan ay may hangganan, kaya naniguro siya, lumapit sa BITAG upang ipaalam sa inyo ang aktibidades ng kanilang grupo.

Ayon na rin mismo sa isa sa mga utak ng kanilang grupo na si Joseph Ander, hanggang padala lang daw ng sulat ang GLOBE. Wala rin daw kakahayan at kagamitan ang GLOBE para tugisin ang kanilang grupo. 

Pumanting ang aking tenga nung marinig ko sa Security Officer ninyo na nagawa pang tawagan ang aming tanggapan na pinag-iisipan pa raw ng GLOBE ang budget for exposure na ibibigay sa BITAG?

Kung hindi ba naman kayo mga “pindeho” diyan sa GLOBE. Kami sa  BITAG ay may “moral and social obligation” na gampanan ang aming trabaho na ipaalam sa publiko ang anumang kasamaan ng walang bahid, walang kulay.

Kayo sa GLOBE, ginagampanan niyo ba ang inyong “moral and social obligation” na ang bawat kasamaan ay dapat kinasusuklaman at dapat matuldukan? Hindi namin ito nakikita sa inyo. Iba ‘yung ipi­na­kita niyo sa amin.

Kunsabagay, hindi naman daw pala kayo nalulugi at maliit na ha­laga lang pala ang nana­kaw ng sindikato sa likod ng ISR. Kaya mas mina­buti ninyo na lang na ma­nahimik.

Hindi ba ang pana­na­himik ay pangu­ngun­-sinti? Kung hindi ba na­man kayo tinamaan ng lintik!

O, dapat siguro kayo tamaan ng kulog at kidlat sa pag-aakala niyo na kami ay lumapit sa inyo para pagkakitaan ang inyong kumpanya?

Huwag na huwag ka­yong magkakamali sa BITAG, eto nakasulat, para magkaalaman na! Bukas din ang kolum na ito para sagutin ang mga naisulat namin.

Sagot PRONTO!

BITAG

GARBAGE IN

GARBAGE OUT

GLOBE

INTERNATIONAL SIMPLE RESALE

KAYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with