Dear Dr. Elicaño, noong binata pa po ako ay halos gabi-gabi akong umiinom ng alak. May pagkakataon na dahil sa sobrang pag-inom ko ng alak ay nakakatulog ako sa dyipni at may pagkakataon pa na sa presinto ako natutulog dahil sa kalasingan. Ngayon po ay tumigil na ako sa pag-inom sapagkat tila nararamdaman kong may kakaiba akong nararamdaman sa aking katawan. Hindi po kaya dahil sa sobra kong pag-inom noon ang dahilan at ako ay sinisingil na? Ano po ba ang cirrhosis of the liver? —DANILO PEREZ ng Tondo, Manila
Mabuti ang pasya mong itigil na ang pag-inom ng alak. Hindi maganda ang sobrang pag-inom ng alak sa kata wan. Kadalasang nagiging sakit ang mga sobrang ma-nginginom ay ang cirrhosis of the liver.
Ang cells ng atay ay namamatay kapag mayroong cirrhosis. Delikado kapag atay na ang apektado sapagkat hindi ito nare-repair. Ganoon man, ang mataas na carbohydrate diet ay makatutulong para maiwasan ang lalo pang pagkasira ng atay. Ang sirang atay ng mga taong may cirrhosis ay hindi kayang dalhin ang mala-king dami ng fat.
Ang mga may cirrhosis ay nararapat na kumain ng mga pagkaing mababa sa fat. Ang matatabang karne at full fat dairy products gaya ng keso ay kinakailangang iwasan ng mga may cirrhosis.
Nararapat ding iwasan ang mga pagkaing maraming spices kagaya ng barbecued foods dahil ang mga ito ay may toxins. Iwasan din ang maaalat na pagkain.
Bukod sa pag-inom ng alak, dahilan din ng pagkakaroon ng cirrhosis ang viral hepatitis, malnutrition, chronic inflammation at ang blockage ng ducts sa atay. Kapag nadedevelop na ang sakit, ang malambot na tissue ng atay ay magkakaroon ng mga pilat at hindi na niya makakayang maaalis ang mga toxins sa dugo. Hindi na maganda ang mararamdaman ng pasyente kapag apektado na ang kanyang atay. Makararanas siya ng paglobo ng kanyang tiyan, diarrhea, pagsusuka, walang ganang kumain at pagbaba ng timbang. Kasunod ay ang paninilaw ng pasyente. Ang pagdurugo ay maaari ring maranasan.
Ipinapayo ang pagkain nang maraming carbohydrates gaya ng kanin, potatoes, wholegrain bread, pasta, sariwang isda at gulay.
Sa pagkain nang mayaman sa carbohydrates maaaring maibalik ang mga bitaminang nawala sa katawan.