^

PSN Opinyon

Mapanganib sa atay ang sobrang pag-inom ng alak

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, noong binata pa po ako ay halos gabi-gabi akong umiinom ng alak. May pagkakataon na dahil sa sobrang pag-inom ko ng alak ay nakakatulog ako sa dyipni at may pagkakataon pa na sa presinto ako natutulog dahil sa kalasingan. Ngayon po ay tumigil na ako sa pag-inom sapagkat tila nararamdaman kong may kakaiba akong nararamdaman sa aking katawan. Hindi po kaya dahil sa sobra kong pag-inom noon ang dahilan at ako ay sinisingil na? Ano po ba ang cirrhosis of  the liver? —DANILO PEREZ ng Tondo, Manila

 

Mabuti ang pasya mong itigil na ang pag-inom ng alak. Hindi maganda ang sobrang pag-inom ng alak sa kata­ wan. Kadalasang nagiging sakit ang mga sobrang ma-ngi­nginom ay ang cirrhosis of the liver.

Ang cells ng atay ay namamatay kapag mayroong cirrhosis. Delikado kapag atay na ang apektado sapagkat hindi ito nare-repair. Ganoon man, ang mataas na car­bohydrate diet ay makatutulong para maiwasan ang lalo pang pagkasira ng atay. Ang sirang atay ng mga taong may cirrhosis ay hindi kayang dalhin ang mala-king dami ng fat.

Ang mga may cirrhosis ay nararapat na kumain ng mga pagkaing mababa sa fat. Ang matatabang karne at full fat dairy products gaya ng keso ay kinakailangang iwasan ng mga may cirrhosis.

Nararapat ding iwasan ang mga pagkaing maraming spices kagaya ng barbecued foods dahil ang mga ito ay may toxins. Iwasan din ang maaalat na pagkain.

Bukod sa pag-inom ng alak, dahilan din ng pagkaka­roon ng cirrhosis ang viral hepatitis, malnutrition, chronic inflammation at ang blockage ng ducts sa atay. Kapag nadedevelop na ang sakit, ang malambot na tissue ng atay ay magkakaroon ng mga pilat at hindi na niya    ma­ka­kayang maaalis ang mga toxins sa dugo. Hindi na magan­da ang mararamdaman ng pasyente kapag apektado na ang kanyang atay. Makararanas siya ng paglobo ng kanyang tiyan, diarrhea, pagsusuka, walang ganang kumain at pagbaba ng tim­bang. Kasunod ay ang pa­ninilaw ng pasyente. Ang pagdurugo ay maaari ring maranasan.

Ipinapayo ang pagkain nang maraming carbohydrates gaya ng kanin, potatoes, wholegrain bread, pasta, sariwang isda at gu­lay.

Sa pagkain nang ma­yaman sa carbohydrates maaaring maibalik ang mga bitaminang nawala sa ka­tawan.

ANO

ATAY

BUKOD

CIRRHOSIS

DR. ELICA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with