^

PSN Opinyon

Balik school na naman!

- Bening Batuigas -

TINATAYANG 18.8-milyong estudyante ang nakatakdang bumalik sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa sa Martes (June 10).

Ayon kay Education secretary Jesli Lapus umaabot sa 12.84 milyong estudyante ang naka-enroll sa public elementary at1.8 naman ang nasa pampribadong ele­mentarya pa lamang. Sa public high school naman ay umabot sa 5.33 milyon habang sa private high school ay 1.33 milyon.

Halos dumoble ang bilang ng mga estudyante ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan ngayong matapos na mapilitang ilipat ng mga naghihikahos na mga magulang ang kanilang anak mula sa mga pribadong paaralan.

Punumpuno na naman ang mga silid aralan sa mga pampublikong paaralan dahil sa dami ng estudyante. Kayat kung dati-rati 60 estudyante ang laman ng isang silid marahil sa ngayon ay tinatayang aabot sa 90 hang­gang isang 100 ang laman.

Ang pangunahing dahilan ng pagdagsa ng mga estud­yante sa mga public school ay dahi sa patuloy na pagtaas ng tuition fees na pinaiiral ng mga private school.

Halos wala na ngang makain ang ilan nating mga kababayan ay sinasamantala pa ng ilang suwitik na pa­aralan ang panggigipit sa mga estudyante kayat mina­buti na lamang nito na mag-aral sa publikong paaralan upang magkalaman ang kanilang utak. He,he,he! Siyem­pre uuna­hin din nila ang isusubong pagkain upang mag­kalaman    ang kanilang kumakalam na sikmura. Get nyo mga suki?

Tanging edukasyon lamang ang magiging tulay ng    mga kabataan upang makaahon sa hirap. Kaya saludo ako sa mga kabataan na nagsusumikap na makatapos ng kanilang pag-aaral. Sila ang mga bagong pag-asa ng ating bansa. Di ba mga suki?

Dahil sa kahirapang di­naranas ngayon ng sam­baya-  nan ay todo naman ang pagbabantay ng mga kapu­lisan sa mga paaralan at mga lansa­ngan upang magbigay ng proteksiyon. Libu-libong pulis ang ipi­nakalat ni Philippine National Police (PNP)  Director General Avelino Ra­zon Jr., sa lahat ng sulok ng ban­sa upang tumugis sa mga ma­sasamang elemento na mam­bibiktima hindi lamang sa  mga estudyante kundi sa buong sambayanang Pinoy.

Ang proyekto ni Director Leopoldo Bataoil na “Pulis Ko Titser Ko” ay lalo pang pinala­wak ni Mamang Pulis Razon upang makatulong sa kakula­ngan ng guro sa mga paa­ralan. Naging epektibo kasi itong proyekto ni Bataoil ng sumuko ang may 12 New Peoples Army (NPA) kabilang ang dala­wang menor-de-edad sa Ilocandia.

DIRECTOR GENERAL AVELINO RA

DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

ESTUDYANTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with