Gusto n’yong magpaputi?
DALAWA lamang sa siyam na brand na pampaputi na aming binili sa mga malaking botika ang pumasa at ito ay ang Gluta White at MET Tathione. Ang mga bumagsak: White L-Glutathione, Active White Plus L-Glutathione, Gluta White and Firm at Cosmo Skin, Vaniderm, Lucida DS at Kyusoku Bihaku. Ang tatlong pinakamababa na laman na glutathione, ayon sa PIPAC findings, ay ang Kyusoku Bihaku na .49 mg lang, ang Vaniderm na may 4.4 mg at Lucida DS na may 5.4 mg lang. Ano naman ang magagawa nating lahat kung ito ang nakita sa PIPAC?
Desisyon ng ABS-CBN News na i-brodkast ang mga pangalan ng mga brand, pumasa man o hindi. Linawin ko na isang batch at isang bote ang aking sample. Pero totoong sa pag-aaral noong Setyembre 2007 hanggang ngayong 2008, bagsak pa rin ang mga produkto ng United Shelter. Malinaw para sa akin ang ibig sabihin nito —
Nagsusunod-sunod na ngayon ang pagbigay sa akin ng iba’t ibang tao ng mga ebidensiya laban sa Lucida DS at sa Ultra Shelter. Nakakapanindig-balahibo ang findings na ito — hindi dahil sa nakakamatay ito o pinsala sa kalusugan ang kakulangan sa glutathione. Hindi ko lang lubos maisip kung paano ito nakalusot sa loob ng mahabang panahon na, sa aking palagay, ay nagdulot ng sobra-sobrang kayamanan sa mga negosyanteng ito na nakakaloko ng mga mamimili.
Abangan pa ang modus operandi at mga ilegal na nangyayari sa likod ng industriya ng food supplements sa bansa ngayon.
- Latest
- Trending