Sakripisyo ng caregiver
PUMATOK dito sa
Maraming isipan ang nabuksan nang mapanood ang Caregiver. Nalaman kasi nila ang dinadanas ng care givers. Marami ang humahagulgol habang pinapanood ang pelikula. Ang nakagulat sa akin, marami palang caregivers ang dumadanas ng masamang pakikitungo sa kanilang amo.
Maraming kabutihan ang naidulot ng pelikulang Caregiver. Halimbawa ay ang pagkakaroon ng lakas ng caregivers na harapin ang kanilang mga malulupit at nagmamalabis na amo. Hindi na raw sila papayag na mayurakan ang kanilang pagkatao. Handa na raw silang ipagtanggol ang kanilang karapatan bilang caregiver.
Magandang inspirasyon ang pelikula. Naging matagumpay ang adhikain at para sa akin nakapanghihinayang kung hindi aani ng parangal ang pelikulang ito. Dapat magkamit ito ng awards at humakot ng tropeo. Nararapat bigyan ng parangal ang Caregiver.
Hindi lamang ako ang humahanga sa magandang pelikulang ito kundi marami pang ibang Pinoy na nanood. Wala na raw tatalo pa sa pelikulang ito. Talagang kumakatawan sa mapait na karanasan ng mga Pinoy na nagtitiis magtrabaho sa ibang bansa para sa kanilang mahal sa buhay. Nagbibigay talaga ng inspirasyon sa iba pang Pinoy na ipaglaban ang kanilang karapatan. Nagpapaalala na huwag susuko sa anumang laban sa bansang kinaroroonan habang nagpapatulo ng pawis.
- Latest
- Trending