^

PSN Opinyon

Noli may kredibilidad bilang endorser

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

WALANG katotohanan na nilustay ng grupo ni Vice President Noli ‘Kabayan’ de Castro ang million of pesos na ibinibintang sa kanyang ni Senator Loren Legarda mula sa pondo ng Pag-IBIG.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mainit pa daw kasi si Loren kay Noli mula ng talunin niya ang una kaya naman up to now ay naggagalaiti daw ito sa sama ng loob.

Sabi nga, wala ng pag-asang magkabati ang dating magkasangga.

Ika nga, buhay politika sa Philippines my Philippines!

Ang Pag-IBIG, ay isang korporasyon na itinatag para sa Republic of the Philippines upang matulungan ang madlang people sa kanilang mga problema tungkol sa pabahay.

Sabi nga, walang haybol kumunsulta sa Pag-IBIG!

Si Kabayan, ang Chairman ng Pag-IBIG kaya ng makita siya bilang endorser nito sa telebisyon sangkatutak ang nainggit at nagakalang lalamangan sila pagdating ng 2010 Presidential Election.

Sangkaterba na kasi ang kinakabahan ngayon kay Noli dahil alam nilang tagilid sila kapag tumakbo ito bilang panggulo este mali pangulo pala sa 2010 kaya naman marami na ang nanginginig dito at baka maglahong parang bula ang kanilang mga pangarap sa pinakamataas na posisyon sa malakanin este Malacanang pala.

Kaya pala ginamit si Kabayan bilang endorser ng Pag-IBIG Housing Loan Program dahil siyang ang Chairman kaya siya ang ideal endorser dahil sikat si Kabayan sa Philippines my Philippines, respected broadcast journalis, pinagkakatiwalaan porke may kredibilidad.

Pinagmitingan ng Board of Trustees si Kabayan kaya siya ang lu­mabas sa commercial ng Pag-IBIG.

Pumayag pala si Kabayan na maging endorser nito dahil kailangan makarating sa kaalaman ng mga miembro ng pinagkukuentuhan natin kung ano ang pakinabang nila sa ahensiya.

Problema ni Barias

MUKHANG malalagay sa alanganin itong si NCRPO Geary Barias dahil parang na drawing ang nangyari kay ex. Sgt. Ricardo ‘Egay’ Gomolon regarding sa RCBC robbery - massacre last May 16.

May mga witnesses kasi na kumakampi kay Gomolon kung nasaan siya ng mga oras ng maganap ang patayan blues dyan sa RCBC.

Isang 9-year old girl ang nagnguso kay Gomolon para hulihin ito ng mga katulisan este mali kapulisan pala kaya naman mabilis pa sa alas kuatro sa telebisyon, radio at dyaryo si Barias.

Eye witness daw kasi nii Barias ang bata kaya naman kinalawit ng mga tauhan nito si Gomolon.

Sabi ni Barias, nakita daw ng bata na may bitbit na shotgun si Gomolon at isa sa mga nanguna sa RCBC na pumasok last May 16.

Paano kaya nalaman ng bata na shotgun ang dala ni Gomolon mukhang bihasa ito sa uri ng mga baril?

Ika nga, nakakapagduda?

May eight people ang natodas sa nakawan sa RCBC at P12 million daw ang nawawala.  Galit ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga tumira dito dahil pati mga inosenteng nilalang ay niyari nila.

Sana kunin din kayo ni Lord, Amen!

Hindi natin tinatawaran ang kakayahan ng grupo ni Barias pero dapat itong himayin mabuti ng ating mga katulisan este mali kapulisan pala.

‘Paano kung walang kasalahan si Golomon?’ tanong ng kuwagong sepuluterero.

‘Mababayaran ba ni Barias ang kahihiyan nangyari dito?’

‘Paano kung may kasalanan talaga si Golomon?’ tinatanong ng kuwagong makulit.

‘Parusahan ito na naaayon sa butas este batas pala.’

‘Eh kung walang kasalanan si Golomon?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Si Barias ang ikulong.’

‘Violator ba ng karapatan pantao si Barias ?’ tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘Remember iyong mga media sa Manila Peninsula siege.’

‘Iyong lang kamote!’

COUNTRY

GOMOLON

LSQUO

PLACE

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with