^

PSN Opinyon

Andros, ang sagot sa nasirang sex life

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MARAMING nagtatanong sa akin kung paano maibabalik ang sigla ng kanilang sex life. Ang sagot ko ay dapat mag­karoon ng maayos na pamumuhay. Iwas sigarilyo at alak. Huwag masyadong magpataba. At kung may alta­presyon, diabetes o high cholesterol, kailangan itong ma-kontrol ng diyeta at gamot para hindi masira ang inyong sex life.

“Este Dok, may nabalitaan akong pampalakas daw sa sex. Mareresetahan mo ba ako?”

“Eh kanino mo ba balak makipagtalik?”

Kadalasan ay may kislap ang kanilang mga mata. Mukhang hindi alam ni misis ang masama nilang balak.

Sa ating mambabasa, totoong may mga gamot na pam­palakas at pampatigas ng ari. Kadalasan ay mga dia­betiko o ’yung mga may edad ang nangangailangan nito.

Ang mga gamot na ito ay ang Andros, Viagra, Levitra at Cialis. Ayon kay Dr. Eduardo Gatchalian, isang tanyag na urologist, halos pare-pareho ang bisa ng mga gamot na ito.

Ngunit ang pinakamura sa apat na ito ay ang Andros, na gawa ng Unilab. Ang generic name nito ay Sildenafil. Marami na ang napaligaya dahil sa gamot na ito.

Iniinom ang Andros isang oras bago makipagtalik at tatagal and epekto nito ng apat na oras. Ang Andros 50 mg ay nagkakahalaga ng P220, kumpara sa ibang mga gamot na umaabot sa P550.

Puwede bang uminom kahit walang impotence? Ang masaklap na sagot ay “Oo.” Kahit normal ka ay puwedeng mapatagal ang pagiging matigas ng ari. Mapapaikli rin ang tinatawag na refractory period. Ang ibig sabihin nito ay pagkatapos mag-orgasm ang lalaki, mas maikli ang hihintayin na panahon para manumbalik ang lakas mag-sex.

May tulong ba ang Andros sa kababaihan? Ayon kay Dr. Gatchalian, “Baka mayroon kaunti.” Ito’y dahil mapapadami nito ang agos ng dugo sa bahay-bata ng kababaihan. Ngunit hindi pa rin namin ito pinapayo.

Huli sa lahat, kung ikaw ay may matinding sakit sa puso, bawal gumamit nito. Kumunsulta muna sa isang espesyalista sa puso.

Sabi ng misis ko na si Dra. Liza, dapat ay payu­han ko rin ang mambabasa na maging tapat sa asawa. Dahil kapag mahuli ka ni misis, eh patay kang bata ka. Marami ang puwedeng maputol sa inyong pagsa­sa­mahan. Ingat!

* * *

Dagdag kaalaman: Kung sakali lang na may na­putulan ng ari, kunin agad ito at ilagay sa plastic na may yelo. Dalhin agad sa Emergency Room at maaari pa itong maidug­tong ng mga siruhano. Bili­san lang ang pagdadala sa ER!

(E-mail: [email protected])

ANDROS

ANG ANDROS

AYON

DR. EDUARDO GATCHALIAN

DR. GATCHALIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with