^

PSN Opinyon

Reality shows

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Isa sa “cheap thrills” ng mga Konseho ng Metro Manila ay ang pagsulpot ng mga TV camera (with reporter) sa sesyon. May kadalasan itong mangyari noon sa Lungsod ng Maynila bilang Capital City at pangunahing local government unit (LGU) sa bansa. Kakaiba itong tsansa para sa mga local officials na makasingit ng publisidad o “exposure” sa malaking network channels. Kung kaya naman sumisigla ang palitan ng opinyon at tagisan ng husay – maski ang karaniwa’y tulog ay gumigising - basta nakatutok na ang camera sa kanilang direksyon. Medyo napapag-iwanan na nga kung tutuusin ang Metro Manila councils dahil sa probinsiya, kondisyon ng pag-gawad ng lisensya sa mga cable TV operator ang pagreserba ng isang channel para sa konseho ng LGU.

Hindi ang opisyal ang pangunahing nakikinabang tuwing isasapubliko ang mga sesyon ng mga halal na kinatawan. Ang publiko mismo ang mabibiyayaan hindi lang sa pag-angat ng antas ng debate kung hindi dahil sa pagkakataong mabusisi ng husto ang pinag-gagawa ng ating mga binoto. Lubhang mahalaga ang “transparency” sa mga gawain ng gobyerno upang maproteksyunan ang tao laban sa pang-abuso sa pagbalangkas ng mga batas.

Kaya’t maganda ang uumpisahang TV coverage ng mga sesyon at committee hearing ng mismong Kongreso. Dito na natin makikita kung ang maamo at malalapitan mong Congresman ay may pakinabang naman sa pangu­nahin nitong tungkulin na magpasa ng batas. Ang kalayuan ng Batasang Pambansa ay hindi na balakid sa mga botante. Sa pamamagitan ng Telebisyon ay papasok na sa ating mga bahay ang mga imahe ng ating repre­sentanteng nagdedebate o natutulog.

May kasabihan ngang“Ignorance of the law excuses no one from compliance therewith”. Kahit hindi mo alam ang ipinagbabawal ng batas, sakop ka pa rin ng mga kautusan nito. Dati’y parang marahas ang ganitong proposisyon dahil walang “access” ang ordinaryong mamamayan sa proseso ng paggawa ng batas. Ngayon ay hindi na ito maidadahilan ni Pedro dahil ang pinaka­bagong reality show na abot tanaw ng lahat ay andito na at pinamagatang Congress in action.

BATASANG PAMBANSA

CONGRESMAN

DATI

DITO

ISA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with