E-jeepney sagot sa mahal na gas
SUBOK na ito sa
Disenyong Pinoy pero gawa sa Tsina ang e-jeepney. Imbis diesel o gasolina, umaandar ito sa pamamagitan ng rechargeable battery. Ipa-plug lang ang baterya sa charger na de-kuryente, tapos puwede na pumasada. Tahimik ang makinang de-baterya. At dahil walang sinusunog na langis, wala ring usok at nakalalason na emissions ang e-jeepney.
Nu’ng Abril hanggang Oktubre 2007, nag-assemble ng ilang e-jeepneys para i-test run sa apat na nabanggit na lungsod. Ang sasakyang “animan” — ibig sabihin, anim na pasahero sa bawat upuan sa likod, at tatlo sa harap, o kabuoang 15 — ay kayang umarangkada nang hanggang 40 kph. Tamang-tama ito para sa mga purok na masikip ang trapik.
Sa isang charge lang ng baterya, na inaabot nang walong oras sa magdamag, kayang tumakbo ng e-jeepney nang 100-120 km. Kung pamilyar kayo sa ka raniwang ruta sa siyudad na limang kilometro, makukuwenta niyo ang efficiency. Makakailang biyahe ang e-jeepney sa halaga lang ng P110-P140 kada charge, hindi libo-libong piso na halaga ng imported diesel.
Panukala ni Sen. Pia Cayetano na puhunanan ng mga city hall ang pagpapakalat ng e-jeepneys. Sila na mismo ang umorder sa assembler, tapos ibenta sa mga jeepney cooperatives nang installment. Natuwa nga siya sa pasya ng Motor Vehicle Parts Manufacturers Association of the
Sa huli, makakatipid ang city halls sa gastusing pagpapagamot ng mga mamamayan. Isa sa bawat pumapasadang tsuper, at karamihan ng malimit magbiyaheng estudyante o empleyado ay ubuhin o may sakit sa baga dahil sa vehicle emissions. Pero kung lilinis na ang hangin dahil de-baterya na imbis na de-gasolina ang jeepneys, ligtas na sila.
- Latest
- Trending