Apat na bituin

Sa unang pagtula ay aking pinuri

ang tatlong bituing sa Star nagsilbi;

Sila’y tatlong mutya na kapuri-puri

na sa Advertising sila ay nagpirme!

 

Nang sila’y purihin ay isa pa lamang

noo’y may asawa at anak nang taglay;

Dalwa’y dalaga pa at totoo namang

kay gaganda nila at dapat tulaan!

 

Sa aking listaha’y may isang nadagdag

at ang isang ito’y tala ring marilag;

Ang hindi ko alam kung siya ay bihag

ng isang Adonis na kanyang kabiyak!

 

Unang tatlo’y sina Aileen, Jenny at Baby

na ang karilaga’y pawang prinsebini;

Si Len ang pang-apat na napakabuti

may asawa’t wala maganda’y ugali!

 

Si Aileen noon pa’y may isa nang anak

sina Jenne’t Baby dalaga pang ganap;

Nang huling magawi sa Star na tanyag

si Baby mayroon ng lalaking nabihag!

 

Ah si Jenny di ko alam ang estado

may asawa’t wala sa aki’y pareho;

Siya’y maganda pa’t ang ugali nito

nang makausap ko’y hindi nagbabago!

 

At itong pang-apat ang ngalan ay Len

na napakasipag d’yan sa Advertising;

Sa pagtawag-tawag at mga paghiling

ay napagtanto kong may asawa na rin!

 

Dalaga at hindi ay okey lang naman

basta’t mababait at laging huwaran;

Sila’y mga talang laging tutulaan

sapagka’t makatang may pusong uliran!

 

Kaya pinupuri apat na diwata

sa ugali nila ako’y humahanga;

Ako ay bilib din sa maraming mutya -–

d’yan sa Accounting ng Star na tala!

Show comments