^

PSN Opinyon

Naisahan ni Anton Ang sina Bebot Villar, he-he-he!

- Bening Batuigas -

PAANO kaya kung nakalusot sa pang-amoy ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang may 780 kilo ng shabu sa Subic Bay Metropolitan Authority?

Magkakamal na sana ng bilyong salapi ang sindikato, dahil tinatayang aabot sa P5 bilyon ang street value nito. At nasisiguro ko na tataas na naman ang krimen sa nag­hihikahos na bansa, he-he-he!  Di na kasi uubrang mag­tayo sila rito ng mga Laboratories dahil matalas na ang mga pang-amoy ng mga tauhan ni Philippine Drugs Enforcement Agency  (PDEA)  Director Dionisio Santiago kaya sa karagatan na nila dinadaan. Get n’yo mga suki!

Bagamat maituturing na aksidente lamang ang pagka­tuklas ng mga tauhan ni Usec. Antonio “Bebot” Villar sa kilo-kilong shabu ay maituturing na rin natin na ito na ang pinaka-magandang accomplishment sa lahat ng ahensya ng pamahalaan. Palakpakan natin sila mga suki!

Ayon kasi sa nakalap kung impormasyon, nag-ugat ang naturang pagkatuklas sa naturang mga shabu nang makita ang isang pulang Mitsubishi Outlander na may plakang RAE-615 na nakaparada di-kalayuan sa naka-daong na  Taiwanese Vessel F/B Shun Fa Xing at may ilang tripulante ng barko ang nagkakarga ng mga kahon-kahon  sa naturang sasakyan dakong alas-8 ng gabi noong Linggo.

At upang di mabulabog ang pagkakarga sa mga kahina-hinalang kargamento ay minabuti ng mga ahente ng PASG na abangan na lamang ito sa paglabas ng gate ng SBMA. Doon na nila pinigil ang naturang sasakyan at ng hingan ng kaukulang dokumento ang may-ari ay dito na nagpakilala ang isang Chinese national  na si Anthony “Anton” Ang.

Idinahilan  nito na mga sinsitibong gamit sa mga computer ang laman ng mga kahon at hiniling nito na iiwan na muna ang sasakyan upang kunin ang mga papeles nito sa kanilang bahay, he-he-he! Lumabas na naisahan ni Ang ang mga ahente ni Bebot Villar matapos na payagan itong makauwi sa kanilang tahanan kapalit ng pag-iwan sa naturang sasakyan at kargamento. He-he-he!  Na­isahan sila ng matsing.

Kinabukasan ay walang  Anton Ang na lumutang sa kanilang tanggapan kaya minabuti ng PASG na buk­san ang ilang kahon at dito na tumambad sa kanila ang mga high grade na shabu. Kaagad nilang nilusob ang warehouse  ni Ang sa compound ng Subic Bay, Gateway Park at doon nakita ang isang Toyota Hi-ace na pu­numpuno ng kahon ng shabu. May dalawang bag pa silang nakuha na lulutang-lutang malapit sa pinagda­ungan ng barko ng Taiwanese.

Kaya’t bagamat naka-ligtas sa kamay ng PASG si Ang nabuking naman ang malaking sindikato ng droga sa Subic Free Port. Kaya saludo ako sa’yo Usec. Villar at sa iyong mga masisipag na tauhan. Naway dumami pa ang lahi mo! Ito na sana ang simula upang kumilos ang lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Kayat  ikaw BOC Commissioner Napoleon Mora­les, idilat mo ang iyong mga mata sa lahat ng mga bar­kong dumarating sa ating mga pier upang mahadla­ngan ang masasamang kilos ng mga sindikatong nagpapalusot ng kanilang mga illegal na aktibidad.

Dahil marami ang nag­su­sumbong sa akin hingil sa patuloy na pamamayag- pag ng mga big time smuggler sa Manila Internatio-nal Container Port (MICP). Aba­ngan mga suki at isa-isahin kong ipararating sa inyo! Binabati ko pala itong isa sa pinakamasugid kong taga-subaybay na si Gina Mape ng DZME Radio sa kanyang kaarawan nga­yong araw na ito. Nawa’y ipagpatuloy mo pa ang iyong kasipagan para ma­paglingkuran ang samba­yanan sa pamama­gitan ng pagbibigay ng ta­mang im­pormasyon.

vuukle comment

ANTON ANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with